Luis Manzano, inaming may problema sa relasyon nila ni Angel Locsin

Photo courtesy of Instagram: luckymanzano
Photo courtesy of Instagram: luckymanzano

May pinagdaraan problema ang relasyon nina Luis Manzano at Angel Locsin. Ito mismo ang inamin ng binata sa report ni MJ Felipe sa “Bandila” nitong Miyerkules ng gabi, January 27. Ayon pa sa actor-host,

may kinalaman umano ito sa matinding away nila ni Angel Locsin mula nang magkabalikan sila noong February 2014. Hindi naman na nagbigay pa ng detalye si Luis kaugnay nito.

Gayunman, ayaw pa ring kumpirmahin ni Luis Manzano na hiwalaya na nga sila Angel, dahil ayon pa sa report, isang source ang nagsabing inaayos pa rin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Iginiit naman ng binata na mahal pa rin niya ang kasintahan kaya nagpunta pa rin ito sa premiere night ng pelikulang “Everything About Her” noong Martes, January 26 sa SM Megamall. Bida sa pelikula ang ina ni Luis na si Vilma Santos at si Angel.

Naunang kumalat ang balita tungkol sa hiwalayan umano ng dalawa nang makitang naiyak si Angel sa talent show na “Pilipinas Got Talent”, na nang banggitin ng judge na si Vice Ganda kay Luis ang pag-iyak ng dalaga, nilapitan ito ng binata na tila inaalo-alo.

Kapwa judge ng naturang talent show sina Angel at Vice ganda, kasama sina Robin Padilla at Freddie Garcia. Host naman ng show sina Luis at Billy Crawford.

By Parazzi Boy