Luis Manzano, inakusahang nagpatanggal ng waiter sa isang resto

ADVERTISING

Luis Manzano, inakusahang nagpatanggal ng waiter sa isang resto

Luis-ManzanoNaloka si Luis Manzano sa accusation sa kanya na ipinatanggal niya ang isang waiter just because hindi maayos ang pagkakaluto ng kanyang steak.

One Cris Silao ranted on Angel Locsin’s Instagram account about the incident and detailed how it happened. Kasama pa raw ni Luis si Billy Crawford nang mangyari ang insidente.

Inireklamo raw ng dalawa ang waiter dahil hindi well done ang steak niya. Natanggal sa trabaho ang guy na bread winner pa naman sa pamilya niya. Kumukuha raw ito ng Engineering course sa UP at malapit nang magtapos.

Ang masakit daw sa kanya ay dinuraan pa nina Billy and Luis ang kanyang sapatos. Doon daw siya nainsulto nang husto.

ADVERTISING

Sumagot naman si Luis ng, “medyo mali facts mo, dahil never kami lumabas ni Billyboy at kumain ng steak!

“HANG TAAAAAAGALLLLL ko ng di nakakasama sa labas si Billyboy, kung gusto gumawa ng kwento, magulang mo nalang kausapin mo, tanungin mo sila bakit ka nila binuo, isama mo na rin yung mga basta basta naniniwala sa mga comment online.

“I’ve been dining out mula ng bata pa ako, I can say na wala pa akong binabastos na kahit sinong waiter o trabahador dahil pantay pantay tingin ko sa may ari ng restaurant o kahit sa waiter, ilang beses na akong na serve-an ng maling order, undercooked dish or di kaya may maling lasa yet NEVER ako nambastos ng kahit sinong staff, ang swerte naman ng kung sino yung nasa kwento mo dahil kamukha ko.

“Na serve-an na nga ako ng steak na lasang sabon e, tinawanan at binulong ko nalang sa waiter para di siya ma stress, ganun ako. Good luck sa pagdamay sa akin at kay Billy sa problema mo.”

Si Angel naman ay naghamon na magharap-harap sila nang magkalinawan.

Actually, mas kapani-paniwala siguro ang accuser ni Luis kung sinabi niya ang name ng resto, ang owner nito, at kung saan ang resto ,at kung kalian nangyari ang insidente. If he did that, magiging credible pa siya.

We believe na may naninira lang kay Luis.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING