Luis Manzano has ‘no taste’ in liking Jennylyn Mercado?!

ADVERTISING

 

 Luis Manzano has ‘no taste’ in liking Jennylyn Mercado?!

ADVERTISING

 Luis Manzano has ‘no taste’ in liking Jennylyn Mercado?! ALL EYES KINA Angel Locsin at Phil Younghusband ang mga utaw nu’ng makita silang manonood ng sine sa Rockwell kahapon. ‘Yan ay ayon sa isang Twitter follower namin.

Ang napansin ng aming follower, ba’t daw hindi nagho-holding hands at hindi rin sweet while walking ang diumano’y exclusively dating na couple?

Well, kung kami ang tatanungin, kung hindi naman talaga demonstrative sina Phil at Angel in person at in public pa mandin, so be it. Eh, hindi sila ganu’n, eh.

ADVERTISING

Tipikal na Pinoy na kapag nakabalita na magdyowa na ang dalawang celebrity, kailangan, ‘pag nakita nila, sweet in public.

Walang ipinagkaiba sa sitwasyong ‘pag namatayan ka, kailangang super cry ka. Pero ‘pag hindi ka umiyak, pinagtatakhan na agad.

Hayaan na natin sina Angel at Phil kung gano’n lang sila hindi ka-showy sa feelings ng isa’t isa in public.

Keri?

 

ANO BA ‘TONG mga haters na ‘to sa Twitter. Para bang sila ang nagluwal kay Luis Manzano kung makapagsalita nang nakakasakit.

Hindi nila matanggap na si Luis ay maiinlab kay Jennylyn Mercado. Sana raw magkaroon siya ng taste. ‘Yung iba naman, hate si Luis, dahil nangangarap pa ang mga fans nina Jen at Patrick Garcia na magkabalikan pa ang dalawa.

Dapat ilagay sa utak ng karamihan sa fans na hindi naman porke iniidolo n’yo ang isang artista eh, me karapatan na rin kayong panghimasukan pati personal nilang buhay.

Saka ‘yung ibang follo-wers, ang lakas mang-okray at manlait sa Twitter. Nakakalimutan yata nilang may “block” button na isang pindot lang no’n, hindi na mababasa ng inookray nila ang message nila.

Hayaan n’yo na sina Luis at Jen. Kung darating ‘yung time na hindi sila sa bandang huli, ang importante, naranasan nilang mainlab sa isa’t isa at itse-cherish nila ‘yon.

Saka hindi nananakit ng babae (physically) si Luis.

 

ANG GALING NI Marcelito Pomoy ng Pilipinas Got Talent. Hindi siya nagpakabog sa taas at tinis ng boses ni Jed Madela nu’ng mag-guest siya sa ASAP Rocks kahapon.

At bilib din naman kami kay Jed, dahil ibinigay niya talaga ang moment na ‘yon kay Marcelito. Ganu’n naman ang magagaling talaga. ‘Pag alam mo ang talent mo, hindi mo kailangang mainsekyur sa isang baguhan.

Anyway, since malapit na ang grand finals, isa-suggest lang namin dito kay Marcelito na boses-babae, pero barako, Tagalog song na lang ang ibirit na at ‘wag nang English song, dahil mas naiintindihan ang mga words niya ‘pag Tagalog.

Feeling naman namin, ang tambalang NielBeth naman ang kanyang mahigpit na makakalaban.

 

NAG-TRENDING SA TWITTER si Niel Etheridge ng Azkals, dahil sa palitan nila ng tweets ni Vice Ganda.

Gusto nga naming sabunutan itong si Vice, dahil pansamantalang naramdaman niyang ang haba-haba ng hair niya at naramdaman talaga niyang “girl” ang da-ting niya kay Niel.

Una pa diyan, nagkita na sila sa birthday ni Rufa Mae Quinto two weeks ago at bulungan sila nang bulungan.

Si Niel pa mismo ang hu-mingi ng BBM Pin ni Vice thru Twitter, kaya mas nalokah ang mga fans nila.

“’Teh, hindi ko na ‘to kaya, promise! Juice ko, ‘Day, hindi na ‘ko choosy kay Niel. Ang tanong: baka sa akin siya maging choosy. Hahaha!”

Paano kung mag-guest sa concert niya si Niel sa July 1 sa Araneta Coliseum?

“Nako, ‘Day, ihalo mo siya sa me bandang likuran o kahit sa gitna na lang, ha? Juice ko, ‘Day, ‘wag mong iuupo sa harapan ‘yan, dahil baka ma-conscious akong bigla, hahaha!”

Sa mga wala pang tickets, tawag lang sa 911-5555 para makakuha kayo ng good seats.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING