Luis Manzano, handa nang maging mister ni Angel Locsin

ADVERTISING

Luis Manzano, handa nang maging mister ni Angel Locsin

Luis-Manzano-Angel-LocsinSA TAKBO ng relasyon ngayon nina Angel Locsin at Luis Manzano lalong nagiging matibay ang kanilang pagtitiwala sa isa’t isa. Hindi raw kayang tibagin ng kahit anumang intriga ang pagmamahalan nilang dalawa. Maraming magagandang plano si Luis para sa future nila ni Angel. Katunayan nga, may property na nabili ang actor/TV host sa Batangas City, planong nitong patayuan ng bahay bilang bakasyunan nila ni Angel.

ADVERTISING

Nang makausap namin si Daddy Edu Manzano, pagmamalaking ibinida nito na masinop si Luis pagdating sa pera. Ini-invest niya sa properties ang kinikita sa showbiz. May property ring nabili ang binata somewhere in Fairview. Dito yata plano niyang ipatayo ang dream house nila ni Angel if ever lalagay na sila sa tahimik, tsika sa amin.

Inamin ni Luis na minsan napag-uusapan nila ni Angel ang tungkol dito pero hindi ganu’n kaseryoso. Marami pa silang commitment sa trabaho na dapat tapusin kaya’t wala pa sa plano nila ang paglagay sa tahimik. Darating daw ‘yun in due time pero hindi pa sa ngayon. Maybe 2 to 3 years puwede na silang magpakasal. Siyempre, kailangan munang mag-propose si Luis kay Angel bago mapag-usapan ang kanilang wedding bells.

Kung si Luis ang tatanungin, ready na raw  siyang maging mister ni Angel. Maging sina Governor Vilma Santos at Sen. Ralph Recto, gusto nilang maging manugang ang actress. Inip na inip na nga ang mga itong magkaroong ng apo. Lalo naman si Edu, sa status daw ni Luis, puwedeng-puwede na itong mag-asawa. Kaya na nitong bumuhay ng pamilya.

ADVERTISING

Gusto kasi ni Edu na magkaroon agad ng apo kay Luis kaya ganu’n na lang ang pagnanais niyang mag-asawa agad ang kanyang binatang anak. Ang pagkakaalam niya, kailangan daw maging handa sina Luis at Angel kapag nagplano na silang magkapamilya. Ganun?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING