Luis Manzano, dinedma si Jennylyn Mercado; nagparamdam kay Angel Locsin nitong Kapaskuhan

ADVERTISING

Luis Manzano, dinedma si Jennylyn Mercado; nagparamdam kay Angel Locsin nitong Kapaskuhan

Luis-Manzano Luis-ManzanoINAMIN SA amin ni Luis Manzano na noong nakaraang Pasko at Bagong Taon ay ‘di niya binati ang dating kasintahan na si Jennylyn Mercado, dahil naniniwala siya na hindi pa ito ang tamang Pasko at Bagong Taon para batiin ang aktres.

Nang tanungin namin kung nasa estado pa rin ba siya ng moving on, ayon kay Luis ay mahaba itong proseso. Pero dito ay higit na malalaman ang kahalagahan mo bilang isang indibidwal at matatanggap mo na ang lahat ng bagay ay may rason kung bakit dapat mangyari.

Masaya naman sa sunud-sunod na proyektong sinisimulang gawin sa ngayon ni Jen, sa huling usap nila ay nabanggit ito noon ng ex at alam niya kung gaano ka-excited ito sa muling pagbabalik-serye.

Kung si Jen ay ‘di binati noong nakaraang okasyon, binati naman ang ex din na si Angel Locsin na ‘di nga lang maaala kung Pasko o Bagong Taon o sa parehong okasyon ito ay na-text niya.

ADVERTISING

Ayaw ring magbigay detalye sa kung paano nabuksan ang komunikasyon sa pagitan nila ni Angel, kung saan inamin nila pareho noon na ‘di sila nag-uusap. Para kay Luis, anuman ang sabihin niya ay tiyak na mabibigyan ng kulay ng ibang tao, kung kaya’t mas mabuti na sa kanila na lang ng aktres ang mga detalye.

Tinutukso kay KC Concepcion, ipinaliwanag ni Luis na noon pa man ay may innate chemistry na talaga sila ng aktres dahil sa kanilang mga pamilyang pinanggalingan, kung saan pareho silang galing sa pamilya ng mga sikat na artista.

Ayon sa TV host, hindi siya nagsasarado ng pinto sa anumang posiblidad. Pero sa ngayon ay tunay na kaibigan talaga ang turing niya kay KC at hindi niya ito niligawan kahit dati.

Masaya sa itinakbo ng kanyang 2013, hinihiling niya na sana ay ganito rin ang kanyang maging 2014 na maraming endorsements at shows na pag-uusapan, kung saan mas higit na nakita ang husay ni Luis bilang isang host.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING