Luis Manzano, ‘di nagpabayad sa guesting sa launching movie ni Alex Gonzaga

ADVERTISING

Luis Manzano, ‘di nagpabayad sa guesting sa launching movie ni Alex Gonzaga

Luis Manzano
Luis Manzano

Isa sa aabangan sa bagong movie offering ng Regal Entertainment na “My Rebound Girl” na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga at Joseph Marco ay ang espesyal na partisipasyon ni Luis Manzano.

Napapayag daw na maging special guest si Luis sa launching movie ni Alex, dahil magkaibigan ang mga ito. Balita nga namin, libre, as in hindi raw nagpabayad dito si Luis.

Bukod kay Luis, nag-guest din sa pelikula ang iba pang kaibigan ni Alex na sina Ryan Bang at Dominic Roque, na kapareho ni Luis ay libre rin ang partisipasyon sa pelikula.

Napanood namin ang trailer ng pelikulang ito ni Alex, at mismong kami ay napatawa sa husay at napaka-natural na komedyante niya. Dagdag pa ang mahuhusay na co-stars niya sa nasabing pelikula at ang magandang pagkakagawa nito ni Direk Emmanuel Dela Cruz.

ADVERTISING

Mapanood na ngayong September 28 ang “My Rebound Girl”.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING