Luis Manzano, ‘di apektado ng isyung ‘di raw maayos na napalaki ng mga magulang

Luis Manzano, 'di apektado ng isyung 'di raw maayos na napalaki ng mga magulang

Luis Manzano, 'di apektado ng isyung 'di raw maayos na napalaki ng mga magulangHindi naman nagpapakaperpekto si Luis Manzano bilang tao, bilang anak, kaibigan, at karelasyon.  Pero hindi naman siya nagpapaapekto sa mga tira sa kanya ngayon, na idinamay na ang kanyang mga magulang dahil baka raw hindi siya napalaking maayos. Taas-noong maipagmamalaki ng host ng “Kapamilya, Deal Or No Deal!” ng ABS-CBN, na kung ano ang para sa kanyang mga magulang bilang respeto, naibibigay niya iyon.

Likas talaga sa ugali ni Luis Manzano ang pagiging mapagbiro at maingay, dahil iyon ang ugali niya na namana sa kanyang daddy na si Edu Manzano. Pero kung sa pagiging mabuting tao at mabait na anak, maraming tao na ang nagpasabi kay Governor Vilma Santos-Recto na napakabait ng kanyang anak. Minsan nga, nu’ng mayroon pang programa sa DZMM ang dating staff ni yumaong Ate Luds (Inday Badiday) na si Marie Gutierrez, mayroon siyang ikinuwento tungkol sa ex-boyfriend ni Angel Locsin.

“Mag-i-interview kasi kami kay Ate Vi sa house niya sa QC. Habang nagse-set up kami roon, mayroong isang bagets na tumutulong sa aming magbuhat ng kung anu-ano. Nagbubuhat siya ng kable. Tinanong namin, ‘Sino ‘yung bagets?’ Sabi, si Luis Manzano raw. Nakaaaliw na bata, dahil tinutulungan niya kami. Parang hindi anak ng isang Vilma Santos. Sikat ang mommy niya, pero ang bait at simple lang ang anak niya. Marespeto,” wika ni Marie Gutierrez.

ChorBA!
by Melchor Bautista