Luis Manzano, bumuwelta sa basher na pinalalabas na bading siya

ADVERTISING

Luis Manzano, bumuwelta sa basher na pinalalabas na bading siyaBinuweltahan ni Luis Manzano ang kanyang basher sa Instagram na nagsabing ‘puro kabadingan’ umano ang pinagpo-pots ng TV host-actor sa kanyang Instagram account.

February 9 pa ipinost ni Luis Manzano ang isang litrato ng heart-shaped cookie na tinawag niyang ‘kalookies’, pero nitong Valentine’s Day, February 14, isang @chuchaychie ang nagkomento sa nasabing post ng aktor.

ADVERTISING

Sabi ni @chuchaychie: “So gay ng mga post mu luis. For real! Ahahhaha. Napaghahalataan ka!”

Buwelta naman ni Luis, “@chuchaychie – it’s always fun when you see a basher with a bible quote on their profile…i bet kinakahiya ka ng anak mo para sa pagiging plastic, bawal kayo sa makati at QC ha, bawal plastic dun.”

Idinagdag pa ng aktor na, “@chuchaychie – John 15:12 pa , of all verses! Hahahahahahaha, yup, your kid should be taken away from you, how can you raise a child in an environment na hypocritical ”

ADVERTISING

Matagal nang iniisyu kay Luis ang tungkol sa kanyang sexual preference na ayaw na lang niyang patulan.

Kamakailan, ipinagtanggol pa ni Angel Locsin sa Luis Manzano laban sa kumukuwestiyon sa pagkakalaki nito. Sa kabila ito ng may pinagdaraan sa ngayon ang relasyon nila.

Sa Instagram ni Angel, isang @guillermaperalta ang tumawag kay Luis na ‘silahis’ at sinabi pang ayaw niya ang aktor para kay Angel.
Sinagot naman ito ni Angel nang, “@guillermaperalta paki-turo po sa akin kung sino angsabi ng masapok ko ho ng todo”

Sumagot naman ang follower ni Angel, “sorry angel ,,,nababasa ko rin yun ,,,basta ang opinion ko ayaw ko sya sayo kasi napaka bait mo ,,idol na idol kita,,pag nasasaktan ka ,nayayamot din ako,,”

Kahit tinanggap ni Angel ang paghingi ng sorry ng kanyang follower, pinaalalahanan pa rin niya ito.

Aniya, “@guillermaperalta apology accepted po. sana lang po next time you won’t say things as a mattaer of fact kung wala namang basis.”

Sinabi rin ni Angel na hindi niya kukunsintihin ang sinumang maninira kay Luis sa kanyang account, magkarelasyon man sila man o hindi ng aktor .

“I won’t tolerate anyone lambasting him on my page…whether we’re together or not. Thank you for understanding po,” ani Angel.

By Parazzi Boy

ADVERTISING