Luis Manzano, ayaw makatrabaho si Angel Locsin

ADVERTISING

Luis Manzano, ayaw makatrabaho si Angel Locsin

Luis-Manzano-Wenn-Deramas-Angel-LocsinNANG DAHIL kay Luis Manzano, mas lalong naging malapit si Angel Locsin kay Direk Wenn Deramas. Sa last shooting nga ng Moron 5.2, bumisita ang actress sa location shooting nito sa Fairview. Namangha kami kay Angel dahil super sexy ang dyowa ni Luis. Ito’y paghahanda ng dalaga sa bago niyang pelikulang Darna ng Star Cinema.

Maging sa birthday party ni Direk Wenn na ginanap sa Hemady Square, Penthouse ay magkasamang dumating ang loving couple na sina Luis at Angel. It shows na they’re very much in love. Mas matatag at matibay raw ngayon ang kanilang relationship. Walang intrigang puwedeng buwagin ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

May chance kayang gunawa ng movie sina Luis at Angel? “Hindi siguro, ayaw kong gumawa kami ng pelikula together ni Angel. Hiwalay ‘yung personal relationship namin sa trabaho. Mahirap ‘yung magkakatrabaho kami. Hindi mo maiiwasan, magkaroon kami ng tampuhan ni Angel. Maaapektuhan ang buong production people. Mahirap magtrabaho kung magkakaroon kayo ng personal na problema. Dala-dala mo ito sa set, hindi ka makapag-concentrate dahil kasama mo siya sa set,” paliwanag ni Luis.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING