Luis Manzano ayaw husgahan ang mga Kapamilya stars na lumipat ng ibang TV network

Leo Bukas
MARAMI NA sa mga dating Kapamilya stars at kasamahan ni Luis Manzano sa ABS-CBN ang lumipat na ng ibang TV network. Ang ilan ay nasa TV5 pero ang iba naman ay nasa GMA-7. Pero sa kaso ni Luis, nananatili pa rin siyang Kapamilya hanggang ngayon.

Luis Manzano ayaw husgahan ang mga Kapamilya stars na lumipat ng ibang TV network
Luis Manzano

Isa sa pinakabagong nag-ober da bakod ay ang  kaibigan ni Luis na si John Lloyd Cruz na nakasama niya noon sa pelikulang In My Life na pinagbibidahan ni Vilma Santos ay nag-ober da bakod na rin.

Ano ba ang reaksyon niya dito?

“Alam mo Kuya Leo,  ako ang unang-unang magsasabi na ‘a man has to do  what a man has to do.’ I will never judge any artist, any staff, kahit sino na lumilipat ng istasyon because siyempre kung nasaan ang trabaho do’n ka dapat lalung-lalo na kung may pamilya ka,” pahayag niya sa amin.

Patuloy niya, “Why would I judge someone na ang habol lang naman niya is to provide whether for himself or for his family. I will never judge any of the artist na lumipat – never.”

Hindi rin daw sumagi sa isip niya ang umalis sa ABS-CBN dahil masaya at kuntento naman siya dito. Napapanood si Luis sa ASAP tuwing Sunday at katatapos lang niyang mag-host sa Your Face Sounds Familiar.

“Alam mo, at this time, I’m still with ABS, busy pa naman ako sa ABS,” matipid niyang reaksyon.

Previous articleThings You Didn’t Know About Han So-Hee of ‘Nevertheless’
Next articleJay Manalo bakit matindi ang pagbabawal sa mga anak na pasukin ang showbiz?