Luis Manzano at Jessy Mendiola kasal na!

KASAL NA sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Ito mismo ang kinumpirma ng newlyweds sa pamamagitan ng paglabas ng Intimate Wedding video sa official YouTube channel ng happy and content bride na si Jessy.

In true Luis Manzano fashion, nagawa pa nito magjoke sa wedding ceremony at binasa ang lyrics ng ‘The Warrior is a Child’ sa kanyang wedding vow. Kahit na sa preparation ay nagpapaka-komedyante pa rin ito, hindi naman niya napigilan maiyak nang makita ang kanyang beautiful bride na si Jessy na papalapit sa kanya.

Si Jessy naman ay may touching words sa kanyang wedding vow.

“I will protect you and i promise that if you grow weak, i will be there to fight your battles for you. Today is the beginning of our journey, our lives together. I choose to spend my today and my tomorrows with you. I love you, Haw Haw.”

Luis Manzano at Jessy Mendiola kasal na!
Luis Manzano and Jessy Mendiola wedding

Maraming pinagdaanan ang relasyon nina Luis at Jessy. After four long years for loving and fighting for each other ay nauwi rin sa kasalan.

Ilan sa mga naispatan na wedding guests ay ang parents ni Luis na sina Edu Manzano at Vilma Santos-Recto. Present din ang stepfather niya na si Senator Ralph Recto at nakababatang kapatid na si Ryan Recto.

Congratulations to our newlyweds! Stay happy and stay in love!