Luis Manzano at Jessy Mendiola engaged na

Leo Bukas

ENGAGED NA sina Luis Manzano at Jessy Mendiola! Ito ang ini-announce ng celebrity couple nitong Sabado, December 12.

Sa Instagram account ni Jessy ay nag-upload siya ng litrato kung saan ipinakikita niya ang suot na engagement ring na meron pang caption na, “YES” at “#JessGotLucky.”

Luis Manzano at Jessy Mendiola engaged na
Luis Manzano and Jessy Mendiola

Matatandaan na prior sa engagement announcement ng dalawa ay pareho rin silang nag-post sa kanilang Instagram account ng teaser na “12.12.20.” Marami ang na-curious kung ano ang ibig sabihin nito, pero ang iba ay in-assume na rin na ang naturang post ay may kaugnayan sa kanilang engagement o planong pagpapakasal.

Matatandaan na nitong November ay lalong lumakas ang balitang balak na talagang pakasalan ni Jessy si Luis nang makita sa aktres ang suot nitong diamond ring.

Lumabas din sa social media ang mga larawan habang nakasuot si Jessy ng wedding gown. Pero nilinaw ng aktres na last year pa kinunan ang naurang photos para sa isang scene sa romantic-comedy film ng Regal Entertainment na Stranded.

Samantala, wala namang date na ini-announce ang dalawa kung kelan sila magpapakasal.