Luis Manzano at Jennylyn Mercado, linggo-linggong magkasama sa Batangas!

ADVERTISING

Luis Manzano at Jennylyn Mercado, linggo-linggong magkasama sa Batangas!

Luis Manzano at Jennylyn Mercado, linggo-linggong magkasama sa Batangas!TULUYAN NA ngang nahilig sa scuba diving si Jennylyn Mercado. Almost every week ay nasa Batangas siya kasama ang boyfriend na si Luis Manzano.

Nitong nakaraang Valentine’s Day nga, doon din nila naisipang mag-celebrate. Monday (February 13) pa lang daw, bumiyahe na sila patungong Batangas.

Bukod sa diving, nagbi-basic under water photography rin daw sa ngayon si Jennylyn. Medyo mahirap daw ito dahil ‘yong buoyancy na hindi kagaya no’ng nasa land na steady ka lang daw.

Si Luis daw ang nang-engganyo sa kanya na maging hobby ang diving. Noong una, wala raw siyang kainte-interes.

ADVERTISING

It was last December daw na gift ng actor-TV host sa kanya na pinag-lesson siya nito ng diving. Nagpunta raw sila ng Eskaya Resort sa Batangas.

Kuwento pa nga ni Jennylyn… “Pinilit niya akong mag-discovery diving. Eh… ayoko. Hindi ako nakikinig. ‘Yong gano’n? Tapos sabi niya… sige, dadalhin ka namin, kahit huwag ka nang sumipa (sa paglangoy sa tubig) diyan. Hinila-hila lang nila ako.”

Nagtuluy-tuloy na raw ang lessons niya hanggang sa nagkaroon siya ng license. After that, naging certified diver na nga raw siya.

At nagustuhan na nga raw niya ito at naging hobby na. Natutunan niyang i-appreciate ang ganda ng ilalim ng karagatan. Ang scuba diving din daw ang naging daan para mapag-aralan niya ang iba’t ibang sea creatures. Na tipong… hindi mo basta-basta puwedeng hawakan ang mga ito. Dahil ‘yong iba, harmful daw at puwede kang magkaroon ng infection.

Siyempre pa, ang scuba diving din ang parang nagsisilbing regular na bonding time nila ng boyfriend niyang si Luis. Na kahit gaano pa sila ka-busy, meron silang panahon almost every week nga na magsamang mag-dive sa Batangas.

Kung minsan, nadadalaw pa sila ni Batangas Governor Vilma Santos sa diving spot na kinaroroonan nila.

O, ‘di ba?

Luis Manzano at Jennylyn Mercado, linggo-linggong magkasama sa Batangas!

ANO KAYA ang nangyari sa proyektong My Kontrabida Girl na pinagtatambalan nina Aljur Abrenica at Rhian Ramos? Ang akala namin, pang-Valentine Presentation ito ng GMA Films.

Several weeks ago, very excited pa si Aljur sa pagkukuwento sa amin na masaya siya dahil pang-Valentine’s offering nga raw ito ng GMA Films. At natutuwa raw siyang sa kanya ibinigay ang gano’ng project.

Dati kasi, puro si Richard Gutierrez ang lead actor ng mga pelikulang prinodyus ng GMA Films for its Valentine’s presentation. Flattering nga naman na its Aljur’s turn naman.

Pero sumapit at natapos ang Araw ng mga Puso, hindi naipalabas ang My Kontrabida Girl. Nagkamali ba ng akala si Aljur? Is he misinformed tungkol sa playdate ng pelikula nila ni Rhian?

Baka sa 2013 Valentine’s Day pa ang showing nito. Hindi kaya?

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING