Luis Manzano at Angel Locsin, nagpupundar na para sa kanilang future

Luis Manzano at Angel Locsin, nagpupundar na para sa kanilang future

Luis-Manzano--Angel-LocsinNAKAKATUWA NAMAN si Luis Manzano na may bago na namang endorsement. Ito ngang Puregold Perks. Nu’ng presscon nga, pinag-fill-up kami ng form para magkaroon na rin kami ng card na Puregold Perks.

Mapapakinabangan ko talaga ‘yan dahil namimili ako sa Puregold, eh.

Sabi ni Luis, meron daw siyang pinapakiusapan sa Puregold na para sa kanila ni Angel. Ano kaya ‘yun? Kasi parang ngayon pa lang nagpupundar na silang magkasintahan para sa kanilang future.

Hindi pa naman daw nila pinaplano ang kasal, pero napapag-usapan na raw nila. Kahit nga raw mga friends nila, may mga plano na, pero wala pa raw detalye kung kailan at saan nila gawin.

Mas focused daw muna sila sa kanilang career, at kailangan pang mag-ipon.

Tingin ko malapit na rin talaga ‘yan.

In fairness naman kay Luis, kayang-kaya na niyang magpakasal dahil ang dami na niyang naipundar.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis