Luis Manzano and Jennylyn Mercado, spotted dating in Maroon 5 concert!

ADVERTISING

 

Luis Manzano and Jennylyn Mercado, spotted dating in Maroon 5 concert!

 

Luis Manzano and Jennylyn Mercado, spotted dating in Maroon 5 concert!

ADVERTISING

MATAPOS NA MAMUTAWI sa mga labi ni Luis Manzano ang mga bagay na hinihintay ng madla tungkol sa napapabalita ngang pagkakamabutihan na nila ng kabi-break lang sa actor na si Dennis Trillo na si Jennylyn Mercado, nakita na ang dalawa na nag-date sa Maroon5 concert sa SMX Grounds sa Mall of Asia noong Lunes ng gabi.

At sa nasabing concert, may mga nakakita rin kay Dennis na nanood nito pero wala diumanong kasama. Matatandaang nasabi na ni Dennis before na paborito niya ang nasabing grupo at tila nakasama na niya noon si Jen na manood nito sa unang bisita ng grupo sa bansa.

Ayon sa ilang mga nakakita sa nasabing ‘date’ nina Luis at Jen sa nasabing concert, alagang-alaga ni Luis ang single Mom. At mukhang si Jen pa ang medyo asiwa at kahit na nagpapakita na raw ng pagiging sweet niya si Luis, sa manaka-nakang paghahawakan nila ng mga kamay, kapag may nakikita raw na pamilyar na tao o kakilala si Jen eh, umiiwas pa ito. At nang matapos nga raw ang concert eh, nagmadali na itong umalis sa venue, kasunod si Luis.

Sa ngayon, ‘exclusively dating’ muna ang level na sinabi na ni Luis sa E-Live! tungkol sa kanila ni Jen. Nauna na rito ang mga balitang nakita silang magkasamang namimili sa isang grocery store at kabuntot din ang balitang nakita silang magkasama sa Boracay.

Samantala, mukhang boto naman ang manager ni Jen na si Tita Becky Aguila sa namumuong romansa sa pagitan ng dalawa. Tita Becky’s daughter Katrina, na close kay Jen posted on her Facebook account ang papuri niya kay Luis, for being the gentleman that he is sa pagtatanggol nga nito sa aktres.

Ang naging daan pala sa lalong paglalapit ng mga puso nila eh, nang magkasama sila sa training nila in Muay Thai and Jujitsu. Na nu’ng una eh, palitan lang ng mga text messages na may kinalaman sa kanilang trabaho.

Sa pagsisiwalat ni Jen sa mga naging dahilan para tuluyang u-masim at tumabang ang masasabi ng ‘pagsasama’ nila ni Dennis sa YES! Magazine, malilinawan na ang mga tao kung bakit hindi na nga sila puwedeng magkabalikan pa. Hindi nga natin basta madya-judge kung sino sa kanila ang tama. But one thing is for sure, pareho rin silang nagkaroon ng pagkukulang sa isa’t isa.

Kaya, ang inaabangan naman ngayon ng mga tao eh, ang muling magiging reaksyon ng butihing ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos sa itinatanging babae ng kanyang binata sa puso nito. Marami nang mga babaeng naging malapit sa puso niya ang naipakilala na ni Luis sa kanyang ina. Kelan daw kaya ‘yung chance ni Jen? At sa nasabing pagkakataon, isama raw kaya ni Jen sa magiging pagdalaw niya sa Star For All Seasons ang anak niyang si Alex Jazz?

UMAMIN NA SA pakikipag-usap niya sa ilang reporters na nakasama niya sa kanyang Sunday show si Mo Twister na kumukunsulta na siya sa isang therapist sa ngayon.

May kinalaman ito sa hindi magandang paghihiwalay nila ng landas ng kanyang inilagay sa pedestal na ‘Musa’ (base na rin sa kanyang mga isina-shout sa kanyang Twitter) na si Rhian Ramos.

Ayon daw kay Mo, sisikapin muna niyang ayusin ang kanyang sarili para mas maging okay na siya sa pagharap niya sa buhay.

Hindi pa nga raw sila nagkakausap o nagkikita ni Rhian at mas gusto niya ang manatili na lang muna sa bahay niya kung wala rin lang trabaho at hindi nagkakakausap sa kahit na sino.

Kung alam ni Mo ang kantang “The Greatest Love of All”, more than the therapist he’s seeking, nandu’n na ang lahat ng sagot.

Sabi nga, learning to love yourself is the greatest love of all. Find your strength in love, dagdag pa ng kanta. Inner conflict ba ito? Then, more than anything, seek God first!

 

Photos by Mark Atienza and Ricky Agapito

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING