Luis Manzano and Jennylyn Mercado, a very happy couple!

ADVERTISING

 

Luis Manzano and Jennylyn Mercado, a very happy couple!

ADVERTISING

Luis Manzano and Jennylyn Mercado, a very happy couple!TINULDUKAN NA SA wakas ni Luis Manzano ang isyu tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila ni Jennylyn Mercado. Matagal nang usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz ang diumano’y pagkakamabutihan nilang dalawa kaya inamin na ni Luis sa kanyang programang E-Live na totoong nagde-date sila.

Nagsimula raw ang kanilang magandang pagtitinginan early this year dahil madalas silang nagkikita sa mga events at sa pagte-train nila ng muay thai at jujitsu.

Luis revealed that they have terms of endearment for each other pero ayaw niyang sabihin kung ano ito. Sa kanila na lang daw iyon but he gave a hint. “[It’s] very unique. Darating din ang takdang panahon para sa ganoon pero meron. Sobrang may kinalaman kung paano namin nakilala ang isa’t isa.”

ADVERTISING

Nagkita na raw ang kanyang ina na si Batangas Gov. Vilma Santos at si Jennylyn, ang dalawang babaeng importante sa buhay ni Luis ngayon. They met in Batangas last Holy Week. Luis described it as a casual encounter. “Very light. Wala namang, ‘Mom, I’d like you to meet Jen’. Ayoko ring ilagay sa ganoong sitwasyon si Jen.”

Parehong kontrobersiyal ang mga previous relationships ng dalawa but Luis doesn’t see the point of bringing up the past. “I don’t see the point [of] comparing sa isang relationship. It’s not right.”

Alam ng publiko that Jennylyn has a son named Alex Jazz pero hindi naman daw ito malaking isyu para kay Luis. He has seen the kid twice but he didn’t introduce himself as Tito Luis. Darating daw ang tamang oras kung may mabubuong pagkakaibigan between him and Jazz.

Masaya naman si Jennylyn sa mga sinabi ni Luis tungkol sa kanya. Ayon sa kanyang ipinadalang statement sa The Buzz, “I feel overwhelmed sa mga sinabi niya. He is really such a sweet guy for saying all those nice things about me. He is actually the first guy na nagpa-interview to defend and praise me. He did what the others didn’t do – ipinagtanggol niya ako – and for that I am very thankful and lucky. Luis is what you really call a true gentleman. Kahit sinong babae napakasuwerte na maging kaibigan siya. Guwapo, matangkad, edukado, ganda ng katawan, [has a] good sense of humor, intelligent and most of all, he knows how to treat a lady. Thanks Luis for the support and also for always making me laugh. You are the one that made me smile again. Thanks for that. Sa susunod na sparring natin ha, gali-ngan mo na para ‘di na kita matalo.”

Sa tingin ba ni Luis ay si Jennylyn na ang right girl for him? Siya na kaya ang babaeng nais niyang makasama habambuhay? “In terms of settling down, iyong sa amin ni Jen, it’s still a long way to go. Huwag po nating pangunahan but kumbaga sa punto na ito na kausap ko kayo, we’re very okay.”

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING