Luis Alandy, natuwa sa pagpalit ni Rhian Ramos kay Marian Rivera sa serye

ADVERTISING

Luis Alandy, natuwa sa pagpalit ni Rhian Ramos kay Marian Rivera sa serye

Luis-AlandyWALA NANG magagawa pa si Marian Rivera na palitan ni Rhian Ramos sa seryeng dapat sana sa kanya kung hindi nabuntis nang mas maaga. ‘Di ba may lumabas pa noon na kesyo ‘di raw feel ni Marian si Rhian matapos na magsama sa Stairway To Heaven sina Rhian at ang husband niya ngayon na si Dingdong Dantes?

ADVERTISING

May nagsabi na tila na-insecure ang beauty niya sa ganda ni Rhian kaya dumalaw si Marian sa taping ng dalawa nang walang abiso kay Dong. Nadatnan pa ni Marian sa taping na nagkakatuwaan sina Dong at Rhian sa dressing room na silang dalawa lang.

Iba talaga kasi ang ganda at aura ni Rhian kaya ‘di kataka-takang pagselosan ito ni Marian kahit na hindi ito aminin ng huli.

Anyway, sa bagong seryeng The Rich Man’s Daughter ay wala nang magagawa pa si Marian na tumutol pa na si Rhian ang papalit sa kanya sa role.

ADVERTISING

Sa hitsura at acting wise ay tamang-tama lang si Rhian sa role at sinamahan pa nina Glaiza de Castro at Luis Alandy.

Kung natuwa ang fans ni Rhian ay mas natuwa si Luis, dahil sa natuloy na rin ang sa pag-aakala niyang hindi na matutuloy na serye dahil sa pag-back-out ni Marian sa role dahil nga ito ay buntis. Matagal-tagal din kasing naghintay si Luis ng bagong teleserye matapos ang matagal na pamamahinga.

“Honestly, sobrang na-blangko ako noong marinig ko na nag-back-out na nga si Marian sa serye, dahil maselan ang pinagbubuntis niya. Inisip ko na baka hindi na ituloy.

“Kinabahan talaga kami, pero natuloy naman. Ang tagal ko kasing walang regular na teleserye. ‘Yung last ko pa was Innamorata at last year pa ‘yun. Nagkaroon naman ako ng special guest role sa pilot week ng Second Chances.

“Itong The Rich Man’s Daughter ang pinaka-regular ko na. Mabuti naman at napalitan siya ni Rhian (Ramos) kaya tuloy pa rin ang show,” nakangiti nang pahayag ni Luis.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING