Luis Alandy, matadero sa palengke sa Thailand

ADVERTISING

Luis Alandy, matadero sa palengke sa Thailand

Luis-AlandyHINDI SUKAT akalain ni Luis Alandy na sikat na sikat siya sa Thailand. Naging number one trending topic kasi siya ng netizens doon dahil sa kanyang sexy photo.

ADVERTISING

Kumalat sa mga netizen sa Thailand ang isang kuha niya na topless sa isang palengke. Kuha ito ng actor sa isang eksena niya sa teleserye ng GMA 7 na Beauty Queen noong 2010 sa role na isang matadero sa palengke.

Ipinost ang photo niya ng isang Thai na si Golfsunda Nam sa Facebook account at sinabing isang butcher daw si Luis sa Khlong Toei market, kung saan nagbebenta raw ito ng karne mula 2:00 am at kadalasan ay sold out daw ang lahat ng paninda nito.

Kumalat ang nasabing photo at maraming Thai netizens daw ang nagkainteres tuloy makita nang personal si Luis Alandy sa palengke ng Thailand para bumili ng karne nito.

ADVERTISING

Take note, umabot daw ang topless photo ni Luis hanggang sa morning show na Khao Khon Morning kung saan pini-feature daw ng mga ito ang mga trending topics sa social media at lumabas na nanguna si Luis Alandy.

May nagbigay ng impormasyon sa mga ito na hindi matadero si Luis sa Thailand kundi isa itong actor sa ‘Pinas. Dahil dito, nag-research pa at naglabas pa sila ng ilan pang sexy photo ng actor na lalong ikinatuwa ng netizens, kaya mas lalo raw nagkainteres ang mga ito na makita at makilala nang personal si Luis.

Nakarating na kay Luis ang balitang ito. Natural na ikinagulat ng actor na marami na pala siyang tagahanga sa Thailand.

Nagpasalamat si Luis sa kanyang Instagram account at aniya: “Thank you Thailand for making me a star and trend in your country with this picture. I will see you soon.”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING