LOYAL KAPAMILYA! Sarah Geronimo ‘di lalayasan ang ‘ASAP’ at ABS-CBN!

Leo Bukas

NANANATILING Kapamilya hanggang ngayon ang Pop Royalty na si Sarah Geronimo.

Ito ang nilinaw ng Viva Entertainment head na si Vic del Rosario na manager din ni Sarah G. Ayon pa kay Boss Vic. Naka-stipulate din daw sa pinirmahan nilang kontrata sa ABS-CBN na solid Kapamilya ang singer-actress.

LOYAL KAPAMILYA! Sarah Geronimo 'di lalayasan ang ‘ASAP’ at ABS-CBN!
Sarah Geronimo

Matagal nang hindi napapanood sa ASAP si Sarah kaya maramiang nag-i-speculate na wala na siya sa ABS-CBN. Pero ang totoong dahilan daw kung bakit hindi siya umaapir sa Sunday musical show ay dahil busy ito sa promo at editing ng kanyang Tala concert na mapapanood din sa KTX.ph.

“Popstar Royalty Sarah Geronimo will remain as an exclusive talent of the Kapamilya network,” bahagi ng official statement ng  Viva.

“Sarah is not hosting any show outside of the network,” giit pa ng Viva kasunod ng balitang she will host a show called PoPinoy sa TV5.

“Sarah appears only as an endorser in the show and she is not the host. She just complied to her commitment as an endorser of Talk ‘N Text. She is still exclusive with ABS-CBN and the only time she appears on TV5 is when she comes out on ASAP Natin ‘To,” paglilinaw pa ng Viva.