‘Loving Miss Bridgette’ nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda, minahal at kinapitan ng publiko

SEPANX!!! ‘Yan ang sigaw ng ilan sa mga avid viewers ng ‘Loving Miss Bridgette‘ na buena manong pasabog ng Stories From The Heart ng GMA Network. Layunin ng programa na magpalabas ng mga kakaibang love stories na hindi karaniwang ipinapakita sa mainstream media.

'Loving Miss Bridgette' nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda, minahal at kinapitan ng publiko
Kelvin Miranda and Beauty Gonzalez

Minahal kaagad ng publiko ang ‘Loving Miss Bridgette’, na nagsilbing unang proyekto ng Kapamilya turned Kapuso na si Beauty Gonzalez with the rising Kapuso leading man Kelvin Miranda. Malaki man ang age gap ng dalawa (na hindi obvious dahil talagang nag-uumapaw ang kanilang chemistry), hindi naman maikakaila na naging rason sila para kiligin ang ilang maybahay tuwing hapon lalo na kung may mga sweet moments sina Marcus (Kelvin) at Bridgette.

Ang kuwento ng isang guidance councilor na nagkaroon ng forbidden romance sa isang medical student ang main premise ng kuwento. Kahit na ‘taboo’ sa paningin ng ilan, naipakita ng programa ang point of view ng mga taong na-involve sa ganitong klase ng relasyon. Unang-una, hindi naman kasi sila sa eskwelahan nagkakilala. Brokenhearted dahil sa kanyang ex-husband si Bridgette at nagliwaliw sa isang resort na may party. Dito niya nakilala ang bata at hopeless romantic na si Marcus.

The month-long series had the usual teleserye ropes – kontrabidang babae na hindi matanggap na ayaw na siya ng lalaking iniibig niya, walang kuwentang husband, nanay na atribida, bestfriend na supportive at mga taong mapanghusga. Despite the challenges, ipinakita nina Bridgette at Marcus na love conquers all…. nga ba?

'Loving Miss Bridgette' nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda, minahal at kinapitan ng publiko
Kelvin Miranda and Beauty Gonzalez

Dahil magtatapos na ang ‘Loving Miss Bridgette’, maraming fans ang nagre-request kung maaaari raw sana na bigyan kaagad ng teleserye ang tambalang Beauty at Kelvin. Wish nila na sana ay isang full teleserye ang ibigay sa dalawa. Akalain mo ‘yun?! Oo, marami nang nakapares si Beauty Gonzalez sa Dos at in real life ay happily married ito, pero ngayon lang siya nagkaroon ng ka-loveteam na talagang passionate ang mga followers!

Si Kelvin Miranda naman ay considered na ‘young star’ pa rin kaya naman no wonder na may mga nagwiwish din na sana ay magbalik-tambalan din sila ng kanyang ‘The Lost Recipe’ partner na si Mikee Quintos. Well, may sila naman ang pinagbigyan sa paglabas ni Kelvin sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento noong Sabado. Nakatakda rin silang magbida sa ‘Promises to Keep’ episode ng Regal Studio Presents ngayong Linggo.

Masasabi natin na success ang pagtawid ni Beauty sa Kapuso Network. How true na isang top Kapuso leading man ang kanyang next partner? Ano kaya ang masasabi ng fans ng tambalan nila ni Kelvin? Abangan!