Lovie Poe, tsinugi sa movie – Alex Brosas

Lovie Poe, tsinugi sa movie – Alex BrosasLovie Poe, tsinugi sa movie – Alex BrosasTSUGI NA PALA ang beauty ni Lovi Poe sa Shake, Rattle & Roll XI.

Tinanggal na raw sa cast si Lovi dahil magulo ang management nito. Hindi raw kasi malaman kung type nitong gawin ang movie o hindi.

Sa story conference pa lang kasi, nagkaroon na kaagad ng problema. Naghintay raw kasi sa wala ang buong production ng Regal entertainment pati na ang iba pang cast ng movie. Hindi raw sinipot ni Lovi ang story conference.

Ang sabi raw ng manager ni Lovi na si Leo Dominguez, papunta na raw sa  story conference si Lovi, male-late lang daw ito. Nang magtagal at i-follow up ang dalaga, ang sabi naman ng production assistant at nasa taping ito. Naloka, siyempre, ang production staff sa magkasalungat na sagot sa kanila.

Itinuloy pa rin ang story conference kahit wala si Lovi.

Nang papipirmahin na raw si Leo ng conforme para sa participation ng alaga niyang si Lovi for Shake, Rattle & Roll ay tumanggi raw ito. Ang gusto niya, si Lovi mismo ang pumirma ng kontrata.

With this, nag-decide na lamang daw ang Regal na tsugihin na lamang si Lovi sa kanilang movie. Mahirap na nga naming mabitin sila.

WALA SI ROXANNE Guinoo sa presscon ng Yaya & Angelina (The Spoiled Brat Movie). Ang hula ng marami, na-trauma ito nang minsang makipagsagutan sa reporter na si Reggee Bonoan. Baka ayaw niyang maulit ang eksena nila ni Reggee kaya hindi siya umapir.

Anyway, present naman ang halos lahat na cast members. Nakausap namin si Iza Calzado.  As expected, hindi na nito type pag-usapan ang sinasabing away nila ni Sunshine Dizon. At dahil alam naming wala siyang interest  sa issue, hindi na naming pinursue ang tanong naming kung may kinalaman sa professionalism ang kanilang hidwaan.

Ang tsika kasi sa amin, naimbiyerna na si Iza nang pati sa pananamit ay nagsasakripisyo siya. May mga instance kasing sinasabihan siyang magpalit ng damit ng wardrobe department dahil may hawig ang kanyang outfit sa suot ni Sunshine.

Eh, ang lola Iza mo, matagal na palang nagtitimpi kay Sunshine. Noong taping kasi ng ay palaging late si Sunshine. Ni hindi man lamang daw ito nagso-sorry sa kanya sa pagiging late nito palagi.

Napikon na pala si Iza kaya sinabihan daw niya ang wardrobe assistant na this time ay hindi na siya papayag na siya ang mag-adjust kay Sunshine. Nakarating daw ito sa kaalaman ng anak ni Dorothy Laforteza kaya nagsimula ang kanilang cold war.

Anyway, sabi Iza, super bad daw siya sa Yaya & Angelina The Movie, pero hindi na siya nag-elaborate kung ano ang kasamaang kanyang ginawa. Basta, watch na lang daw tayo.

NAAWA ANG ILANG nakakita sa isang actor nang minsang malasing ito.

Panay kasi ang litany ng actor na pinabayaan siya ng kanyang network. Ang hinanakit kasi niya, naging very loyal siya sa kanyang home studio, hindi siya naging pasaway at wala siyang ibinigay na problema kailanman. Ang kaso, imbes na bigyan siya ng pambidang project, kontrabida ang palaging natotoka sa kanya. Iyon ang ikinasasama ng loob niya.

Ewan lang naming kung may offer ang actor mula sa ibang network. Parang wala naman kaya siguro hanggang ngayon ay sumisiksik pa rin siya sa istasyong kanyang  inirereklamo.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas