Lovi Poe, walang binabalikang relasyon

ADVERTISING

Lovi Poe, walang binabalikang relasyon

Lovi Poe
Lovi Poe

Bongga si Lovi Poe. Past is past pala ang istilo niya sa pag-ibig. No turning back, ‘ika nga.

Kung all mine to give siya sa mga karelasyon niya, kapag wala na at nakatawid na siya, wala na raw itong balikan just like ‘yong recent relationship na ang tawag ng press nang humarap siya recently ay “Siya”.

Pero nang mag-taping sila sa Vigan, Ilocos Sur para sa kayang teleseryeng “Someone To Watch Over Me” sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes, hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkita sila muli ng ex-boyfriend niyang na dating kongresista na si Ronald Singson.

Naging magkaibigan sila nito after ng kanilang hiwalayan. “‘Yong secretary lang niya ang komontak sa akin,” kuwento ng aktres.

ADVERTISING

Hindi na nag-elaborate pa si Lovi tungkol kay Ronald. Kaya hindi na rin kami nag-urirat.

So far kasi, happy naman siya kahit loveless siya (but she’s dating a French guy) na ayaw na muna niyang ibigay ang detalye tungkol sa lalaking nagpapangiti at nagpapa-good vibes sa kanya after her failed relationship with “Siya”.

With a bonggang career ngayon sa kanya muling pagiging aktibo sa showbiz (feeling ko matagal din siyang nawala sa eksena ng mga teleserye) sa pamamagitan ng manager niyang na si Leo Dominguez, busy siya sa trabaho.

Sa ngayon tinatapos niya ang pelikulang “The Escort” ng Regal Films, na ang sabi ay super-duper hot diumano ang love scene niya with Derek Ramsay, at ang nahintong shooting nila with her ex-boyfie na si Rocco Nacino na ewan kung matutuloy pa ang pagtatapos ng pelikula gayong split na sila. Naniniwala pa rin naman si Lovi na propesyonal sila pareho para hindi nila gawin ang kanilang obligasyon sa kanilang producer.

Pahayag nga ni Lovi sa panayam naming, “I’d like to think naman na friends pa rin kami (ni Rocco),” para tapusin ang kanilang mga trabaho.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING