Lovi Poe, tuluyan nang nakipag-break kay Rocco Nacino

ADVERTISING

Lovi Poe, tuluyan nang nakipag-break kay Rocco Nacino

Lovi-Poe-Rocco-NacinoANG BALITA namin, hiniwalayan na raw nang tuluyan ni Lovi Poe ang boyfriend niyang si Roco Nacino na kasama niya sa drama series na Beautiful Strangers ng GMA-7. May tension daw sa taping, hindi nagkikibuan ang dating mag-dyowa. Nakapag-uusap lang daw ang dalawa kapag eksena na nila ang kukunan ng director. Malapit nang matapos ang nasabing drama series, hindi pa rin sila nagkakaayos.

Malabo na raw maibalik ang dating pagmamahal ni Lovi kay Roco. Matindi raw ang naging dahilan ng kanilang break-up. Well, very vocal ang mader ng actress na hindi niya gusto ang binata para sa kanyang anak. Kahit nga puro paninira ang sinasabi tungkol sa binata, bingi at manhid si Lovi dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Roco.

Pero nang mag-usap nang masinsinan ang mag-inang Lovi at sinabi nito ang natuklasan ni Mader kay Roco, biglang nagising ito at natauhan. Kinausap ng actress ang binata na mag- cool off muna sila. Hindi naman nagbigay ng detalye ang dalaga kung ano talaga ang matinding dahilan para iwanan niya si Roco.

May ugali pa naman si Lovi na kapag hiniwalayan na niya, hindi na nito binabalikan. Ibig sabihin, kapag tapos na, hanggang du’n na lang ‘yun. Akala pa naman ng magaling na actress-singer na si Rocco na ang itinakda para sa kanya, hindi pala. Well, ganu’n talaga… love is blind in the name of love.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING