Lovi Poe, titikman sina Marco Gumabao at Tony Labrusca sa sexy movie!

ADVERTISING

SHE’S BACK and she’s ready to work! Balik-trabaho na agad ang talented at napakaseksing aktres na si Lovi Poe. Sa katunayan, hindi pa rin ito tumitigil sa paglalakwatsa sa bansa at lately ay naispatan ito sa Davao at Boracaay with her rumored dyowa.

Lovi Poe, titikman sina Marco Gumabao at Tony Labrusca sa sexy movie!

ADVERTISING

I’m sure na matutuwa ang fans ng morena actress dahil isang pasabog na sexy film agad ang gagawin nito. For the first time ay gagawa ito ng pelikula sa bakuran ng Viva Films. To make her comeback more ‘kainggit-inggit’, hindi lang isa kundi dalawa sa sought-after young leading men natin ngayon: Marco Gumabao and Tony Labrusca!

Hot and fresh from his May-December love affair film with Anne Curtis na ‘Just a Stranger’, Marco will be paired anew with Lovi in “In Between Goodbyes” that will be directed by Joel Lamangan. Based ito sa screenplay ng beteranong manunulat na si Sir Ricky Lee.

Lovi Poe, titikman sina Marco Gumabao at Tony Labrusca sa sexy movie!
Marco Gumabao, Lovi Poe and Tony Labrusca

Hindi naman magpapatalo ang ‘Glorious’ actor na si Tony Labrusca dahil pasok din siya sa proyekto. Recently ay natapos ni Tony ang teleseryeng ‘Sino ang Maysala?’ where he was paired naman with Bela Padilla.

Aba, kung noon ay laging mas older ang leading man ni Lovi, this time ay siya na ang sisipsip sa youthful juices ng mga hunks na ito, huh!

ADVERTISING