Lovi Poe, tinawag na matanda si Marian Rivera

ADVERTISING

Lovi Poe, tinawag na matanda si Marian Rivera

Lovi-PoeTUMANGGING MAGBIGAY ng kanyang comment si Lovi Poe kaugnay ng isyung isnaban nila ni Marian Rivera. Kesyo siya raw ang unang nag-snub kay Marian nang magkita sila sa parking lot na kasama si Rocco at si Marian naman ay kasama si Dingdong Dantes.

ADVERTISING

Si Dong lang daw ang binati ni Lovi at dinedma si Marian kaya gumanti naman daw diumano si Marian nang magkita naman sila sa Sunday All Star ng GMA 7. Magkatabi daw sina Lovi at Solenn Heusaff at pagdating ni Marian ay si Solenn lang daw ang bineso-beso ng girlfriend ni Dingdong.

Katuwiran ni Lovi kaya ayaw na niyang mag-comment, para hindi na lang daw humaba at lumala pa ang naturang isyu. Kung siya raw talaga, wala raw epekto ‘yon sa kanya, dahil nirerespeto raw niya si Marian dahil mas nakatatanda raw ito sa kanilang mga talent ng GMA 7.

Ayon pa kay Lovi, hindi na raw kailangan magkaroon pa ng mediation sa kanila ni Marian para ayusin kung anumang gusot nila sa isa’t isa dahil naniniwala ang una na wala naman daw problema.

ADVERTISING

Maging professional na lang daw silang lahat at kung sa pakikipagtrabaho naman niya kay Dingdong sa kanilang teleseryeng Ang Dalawang Mrs Real, very nice ang naging deskripsyon niya sa actor.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING