Lovi Poe, sulit ang paghihintay sa bagong teleserye

ADVERTISING

Lovi Poe, sulit ang paghihintay sa bagong teleserye

Lovi-PoeISANG KARANGALAN kay Lovi Poe na makasama sa teleserye ang mga award-winning actors na sina Christopher de Leon at Dina Bonnevie sa Beautiful Strangers.

ADVERTISING

Sulit ang paghihintay matapos ang huling teleserye niyang Ang Dalawang Mrs. Real, kung saan nakasama niya sina Dingdong Dantes at Maricel Soriano, ‘eto at isa na namang de kalibreng serye ang kasunod kasama pa ang mga hinahangaan at nirerespetong actors. Bukod dito, magsisimula na rin si Lovi na mag-shoot ng pelikulang Lakambini sa role bilang si Gregoria de Jesus o Ka Oryang.

Samantalang super happy pa rin ang lovelife ni Lovi at feeling safe na hindi siya lolokohin or papalitan ng boyfriend. Hindi kasi siya ang tipo ng babae na mahigpit or maraming ipinagbabawal sa isang karelasyon. Basta ang importante ay pagtitiwala sa isa’t isa. Dahil kapag wala na raw kayong tiwala sa isa’t isa, mas mabuting maghiwalay na lang kaysa humantong pa sa away or galit ang dating pagmamahal na nadama.

Samantalang, very vocal pa rin si Lovi na nakahanda siyang tumulong sa political career ng kapatid na si Senator Grace Poe. Ayon sa kanya, whatever isyu or intriga pa ang ibato sa kanila ay mananatiling kapatid pa rin niya si Senadora Poe.

ADVERTISING

Asahan na nandiyan siya kapag kailangan siya ng kapatid, lalo na kung totoo ang naglabasang balita na tuloy na sa pagtakbong pangulo sa darating na halalal si Senator Grace Poe.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING