Lovi Poe si Piolo Pascual agad ang leading man sa first series sa ABS-CBN na ‘Flower of Evil’

Leo Bukas

NGAYONG isa nang ganap na Kapamilya star si Lovi Poe ay matutupad na rin ang matagal na niyang pangarap na makatrabaho ang Ultimate Heartthrob na si  Piolo Pascual.

Huwebes, September 16, nang pumirma ng kontrata at opisyal na winelcome ng ABS-CBN bilang bagong Kapamilya si Lovi. 15 years na naging contract artist ng GMA-7 ang aktres.

Lovi Poe si Piolo Pascual agad ang leading man sa first series sa ABS-CBN na  ‘Flower of Evil’
Piolo Pascual and Lovi Poe

Katulad ni Piolo, isa ring carpet welcome ang ginawa kay Lovi as she made her first steps into the network’s headquarters bago ang kanyang contract signing.

“Our lead stars for the forthcoming Philippine adaptation of the hit Korean Drama, Flower of Evil – Piolo Pascual & Lovi Poe,” saad ni Deo, ang head ng Dreamscape Entertainment..

Ang Flower of Evil ang bale  second project sa ABS-CBN ni Lovi pagkatapos niyang gawin ang noong 2020 ang iWantTFC original movie na Malaya.

Lovi  will star in a Hollywood film titled The Chelsea Cowboy, produced by The Wire actor and five-time Emmy-nominee Idris Elba. The actress will play the role of British blues singer Dana Gillespie in the upcoming movie na magsisimula ang shooting ngayong October.

On Piolo’s part, excited din itong makatrabaho si Lovi sa Flower of Evil.

“I got really excited [sa Flower of Evil]. So to be able to work with Lovi Poe, as we said a while ago, it’s signed, sealed, and delivered. Before the year ends, we’re gonna do couple of lock-ins for the series. So, excited ako do’n. Excited akong bumalik sa TV,” ani Piolo.

Flower of Evil follows the story of a man who hides his true identity — including his past — from his wife, a detective. The critically-acclaimed drama — which aired on tvN in 2020 — had received various awards, including Best Director for Kim Cheol-kyu at the 57th Baeksang Arts Awards.