Lovi Poe, si Jake Cuenca lang ang ‘di inaming boyfriend

ADVERTISING

Lovi Poe, si Jake Cuenca lang ang ‘di inaming boyfriend

Jake-Cuenca-Lovi-PoeTOTOONG INLOVE nga ang star ng drama series na Ang Dalawang Mrs. Real na si Lovi Poe sa fellow GMA artist na si Rocco Nacino. Matagal nang nababalita na may something sa kanilang relationship. Several months nang aminin ng actress na sila na nga ng hunk actor. Nagka-developan ang dalawa nang gawin nila ang Yesterday’s Bride at Akin Pa Rin Ang Bukas ng Kapuso network. Magkasama silang nagbakasyon sa Europe last April.

Binigyang-halaga ni Lovi ang pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni Rocco kaya’t inamin nito ang relationship nila as couple in public. Pero nu’ng makipag-relasyon ang dalaga kay Jake Cuenca, hindi nito maamin sa publiko na sila na nga. Nagsimula ang kanilang love affair sa pelikulang My Neighbor’s Wife. Kahit gustuong-gusto aminin ni Jake sa media na mag-dyowa na sila ni Lovi, hindi nito magawa. Bilang respeto kay Lovi, kahit anong pilit namin nooon na umamin ang hunk actor, ngiti lang ang nagiging tugon nito sa aming mga katanungan.

Ipinaliwanag ni Lovi kung bakit hindi niya inamin noon na naging boyfriend drin niya si Jake. As much as possible, ayaw niyang pinag-uusapan ang kanyang personal life. Weird daw siya nu’ng mga panahon na ‘yun. Wala raw siya on the right track of her mind. Palaging nagiging issue ang pagkakaroon niya ng boyfriend. Umiiwas siya sa intrigang puwedeng mangyari. Tulad na lang nu’ng she’s romantically linked to former Ilocos Sur Representative Ronald Singson. Napaka-controversial ng kanilang love affair. Ngayon niya na-realize na dapat sana nabigyan ng proper recognition si Jake.

Ayon kay Lovi, may mga bagay na nangyayari na hindi mo kontrolado. Kahit ayaw mong mangyari, nangyayari na hindi mo inaasahan. Tadhana na raw ang hindi sumang-ayon kaya’t kailangan na kayong magkahiwalay.

ADVERTISING

Ayaw na sanang magsalita ni Jake about his relationship with Lovi, happy siya for Lovi at Roco. Walang itong regrets na minsan minahal niya ang actress. Ganu’n daw talaga, kung hindi kayo para sa isa’t isa, magkakaroon ng dahilan para magkahiwalay. Masaya naman ang binata sa bago niyang non-showbiz gilrfriend.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING