Lovi Poe at Rocco Nacino, level up na ang relasyon

Lovi Poe at Rocco Nacino, level up na ang relasyon

Rocco-Nacino-Lovi-PoeVERY MUCH in love sa isa’t isa sina Lovi Poe at Rocco Nacino. Sa mga larawang kuha sa kanilang Instagram, super sa pagka-sweet na nakayakap ang binata kahit may mga kasama silang friends, keber. Open naman kasi ang kanilang relationship so, walang dapat ikahiya, ‘di ba? Ipinakikita lang ng actor kung gaano siya kalambing sa babaeng mahal niya.

Magkasamang nagbakasyon sina Love at Rocco sa Baguio City kailan lang para i-celebrate ang Valentine’s at birthday ng dalaga. Bukas ang kaarawan ng actress, walang party na magaganap. Mas excited pa ito sa wedding ng kaibigan niyang si Heart Evangelista at Chiz Escudero this coming February 15. Limitado lang ang invited guests ng dalawa sa Balesin. Hindi makasasama si Rocco kay Lovi kaya’t sa Manila reception na lang sila together.

Nagle-level up na raw ang relationship nina Lovi at Roco, walang intrigang puwedeng ikasira ng kanilang relasyon. Confident naman ang actress na nag-iisa lang siya sa puso ng binata. Kahit hindi sila nagkikita, tuloy pa rin ang communication nila. Marami silang magagandang plano for their future if ever magtuluy-tuloy ang magandang takbo ng kanilang career.

Sa ngayon, ini-enjoy lang nina Lovi at Rocco ang relationship na mayroon sila. Kung saan ito papunta, hindi nila alam. Ang importante raw, ‘yung sa ngayon at kung ano ‘yung darating in the near future. Kung sila pa rin ba hanggang sa dulo. Well, sa love experience ni Lovi, ayaw na niyang maulit ang nakaraan. She learned her lesson, ayaw niyang mag-expect sa taong mahal nito, baka masaktan lang siya sa bandang huli. Enjoy na lang daw natin ang life, let it flow… Ganu’n?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield