Lovi Poe, pursigidong kunin ng Singko?!

ADVERTISING

Lovi Poe, pursigidong kunin ng Singko?!Lovi Poe, pursigidong kunin ng Singko?!TOTOO NA kaya itong kumakalat na isyung bukod kay Ogie Alcasid, pati raw si Lovi Poe ay lilipat na rin sa TV5?

Wala pa silang sinasabing kumpirmasyon, dahil hindi rin nagsasalita si Ogie tungkol dito.

Pero ayon sa mga kumakalat na tsismis, tuluy na tuloy na raw talaga, at hindi na pinigilan ng GMA-7.

Pero ang latest ngayon, pati nga raw si Lovi ay inaayos na rin ang paglipat niya sa TV5.

Tapos na kasi ang kontrata nito sa GMA-7, at inaayos na sana ang renewal.

ADVERTISING

Pero mukhang pursigido raw ang Kapatid Network na kunin ito kaya bongga raw ang offer.

Malamang mahirap tanggihan ang offer kaya nagkakaproblema raw ngayon ang Love and Lies na bagong drama series ni Richard Gutierrez dahil si Lovi dapat ang leading lady niya rito.

Kaya hindi natuluy-tuloy ang story conference at pictorial dahil hindi pa raw sure kung si Lovi pa rin ba ang leading lady.

Ngayon, ang latest na narinig ko, si Sam Pinto na raw ang napiling leading lady ni Richard.

Nakausap ng Startalk staff namin ang head ng ETV na si Lilybeth Rasonable, wala pa siyang kinumpirma kung sino na nga ang ipapalit kay Lovi.

Hindi naman niya sinabing hindi na nga tuloy si Lovi. Basta sa ngayon daw ay wala pang napagdesisyunan kung sino na talaga ang leading lady ni Richard sa Love and Lies.

Hay, naku! Sa totoo lang, parang unfair din sa GMA-7, ‘di ba? Sila ang namuhunan at nagtiyagang makilala ang mga ganitong artista. Pagkatapos silang napasikat, iwanan na lang nila o kaya magpresyo na nang bonggang-bongga. Meron pa riyan nagdi-demand na kailangan namang sundin ng network para hindi lang lumayas. Bongga, ‘di ba?

 

NALOKA SI Mark Anthony Fernandez sa akin nang sinita ko siya kung bakit hindi ito pumunta sa birthday ng Papa niya sa Heritage Memorial Park nu’ng nakaraang March 3.

Nagpamisa kasi si Lorna Tolentino sa Heritage nu’ng hapong ‘yun at nagpamer-yenda lang pagkatapos.

Nu’ng mag-guest si Mark sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, tinanong ko siya kung pumunta ba ito sa Papa niya nu’ng birthday nito.

Sabi niya pumunta raw siya ala-una ng madaling-araw.

Ganun yata ‘yan si Mark, hindi sumasabay sa karamihan. Gusto niya siya lang mag-isa para ma-solo niya ang Papa niya.

Iba kasi ‘yang si Mark, mas gusto niyang mag-isa lang siya na nagdadalamhati sa Papa niya.

Alam ko hanggang ngayon apektado pa rin ‘yan talaga at miss na miss na niya ang Papa niya.

Kaya mas gusto niyang pumunta sa Heritage sa alanganin oras at mag-isa lang siya.

Mabuti nga ngayon maayos na siyang nagtatrabaho, dahil wala raw itong kaproble-problema sa taping ng drama series niyang Bukod Kang Pinagpala.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING