Lovi Poe, palaban sa love scenes nila ni Derek Ramsay sa bagong pelikula

ADVERTISING

Lovi Poe, palaban sa love scenes nila ni Derek Ramsay sa bagong pelikula

Lovi Poe
Lovi Poe

Mas naging daring yata si Lovi Poe sa roles na ginagampanan niya sa pelikula niya ngayon mula nang maghiwalay sila ng dating boyfriend na si Rocco Nacino.

Sa bagong pelikula ng aktres sa Regal Films na “The Escort” na ipalalabas come November 2, super hot ang mga eksena ni Lovi at ng kapareha niyang si Derek Ramsay.

Ang mga love scene kasi ng dalawa ay hindi traditional na sa ibabaw lang ng kama nagaganap.

Kung ini-expect daw natin na ang the usual hot love scene ni Lovi at Derek sa bagong pelikula ng dalawa (first time nilang mag-sama sa isang obra), hindi mo inaasahan na magagawa ‘yun ng dalaga.

ADVERTISING

Sabi ng isang miron, mabuti na lang daw na “single” ngayon si Lovi. Kung hindi pa sila nag-split ni Rocco, baka ma-insecure ang binata sa mga eksena ng ex-girlfriend niya at ni Derek who is also committed sa girlfriend niya, na so far ay going strong naman ang relasyon ng aktor sa kasinthan kaya walang insecurities itong nararamdaman.

“Sana huwag siyang mag-react kapag napanood niya ang pelikula,” sabi ng isang insider.

Ang pagiging mas liberated ni Lovi ngayon, hindi raw ito protesta sa hiwalayan nila ng dating boyfie.

“‘Di ba, never namang iniyakan ni Lovi si Rocco nang magkahiwalay sila?” sabi ng isang malapit sa dalaga.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING