Lovi Poe on network transfer rumors: ‘All negotiations are confidential’

HUMAHABA ang listahan ng mga longtime Kapuso prime stars na lumilipat sa Kapamilya network kahit na hindi pa rin granted ang prangkisa nito. Nauna nang umober-da-bakod si Janine Gutierrez at ngayong araw ay pormal nang ipinakilala si Sunshine Dizon bilang bagong Kapamilya.

Susunod na ba si Lovi Poe soon?

Lovi Poe on network transfer rumors: ‘All negotiations are confidential’
Lovi Poe

May ongoing top-rating romance-comedy series ang Premier Actress ng GMA na ‘Owe My Love’. Mahal na mahal ng viewers ang karakter niya bilang Sensen at marami ang kinikilig sa tambalan nila ni Benjamin Alves. How true na hindi na mae-extend ang nasabing programa (kahit pa mataas ang ratings) dahil pending na ang status ng dalaga sa network?

Last week ay lumabas ang tsikang si Lovi Poe ang ikalawang Kapuso prime star na nililigawan ng Kapamilya network. Ang tsika pa ay ang remake ng Doctor Foster o The World of the Married ang gagawin niya with Ms. Judy Anne Santos. Magandang showdown nga ito pag nagkataon! Kung si Juday ang makakasama niya sa programa, magiging worth it ang kanyang paglipat if ever. Kung hindi si Juday, worth it ba?

Sa ngayon ay nasa Amerika si Lovi upang magfocus sa kanyang first love – music. S’yempre, andun din ang true love niya na si Monty Blencowe.

Lovi Poe on network transfer rumors: ‘All negotiations are confidential’
Lovi Poe

Hanggang end of May pa ang itatakbo ng ‘Owe My Love’ kaya may oras pa ang dalaga para mag-isip at magmuni-muni. Good time din talaga ito to focus on her music.

Nang tanungin ito sa presscon ng kanyang latest jewelry endorsement, naging matipid sa pagsagot si Lovi.

“I think it’s only fair to keep things private at this stage and all negotiations are confidential at this very moment,”

Hmmm…. ano sa tingin niyo? Will she remain a Kapuso, or will she be the newest Kapamilya? ABANGAN!