Lovi Poe, okay lang kung wala nang time sa kanya si Rocco Nacino

ADVERTISING

Lovi Poe, okay lang kung wala nang time sa kanya si Rocco Nacino

Lovi-PoeHINDI LANG sina Lovi Poe, Maricel Soriano at Dingdong ang umaani ng magandang feed back kaugnay ng kanilang performance sa primetime series ng GMA 7 na Ang Dalawang Mrs. Real. Maging ang iba pang nasa cast nito. Lahat ay nagagampanan nang buong husay ang mga karakter na kanilang binibigyang buhay.

“Lahat kasi kami, nagtutulungan,” ani Lovi. “And with our director pa, parang… siyempre lahat naman ng ginagawa namin, inaalay namin sa viewers. So, ginagawa talaga naming ‘yong best namin.”

Grabe raw ang kaba ni Lovi no’ng time na kinunan ang tagpong kinumpronta siya ni Maricel sa elevator.

“Of course. Pero si Ms. Maricel kasi, she’s very nice. So, hindi niya ipinaramdam sa akin na siya ang kaisa-isahang Diamond Star. Kumbaga, for me it’s a priviledge to work with her. Makaeksena ko lang siya… dream come true. So, parang no’ng kaharap ko na siya, talagang… madali kasi siyang kaeksena. May mahuhugot ka na from her. Kumbaga, hindi ka na masyadong mag-i-effort. Kasi you get something from her already. That’s how good she is.”

ADVERTISING

Sa henerasyon ng mga bagong sibol na aktres, tila si Lovi nga ang maituturing na pangunahing flag bearer ng Kapuso Network pagdating sa drama.

“Wow!” nangiting reaksiyon niya. “Well ano… I can’t say anything about that. Pero nagpapasalamat ako sa GMA kasi nga ang ganda ng mga proyekto na ibinibigay nila sa akin. Kaya the least that I can do is actually deliver. So, sa tiwala naman na ibinibigay sa akin, sa simpleng bagay na gano’n… ‘yon sana lagi kong magawa.”

Nadi-drain ba siya sa bigat ng kanyang role at mga ginagawang eksena sa Ang Dalawang Mrs. Real?

“Oo. Nakaka-drain siya honestly. Kasi buong araw kang umiiyak. At saka mahirap dahil malayo sa totoong buhay ‘yong character ko bilang si Shiela. So, todo ang efforts ko.”

Pareho sila ng boyfriend niyang si Rocco Nacino na mas nagli-level up pa ang kalibre bilang mga magagaling na artista.

“We help each other. We support each other. And we both inspire each other. Kaya ano… maganda nga ‘yong combination,” tawa ulit niya.

Bukod sa pelikula, may bago ring soap ngayon si Rocco. May time pa ba sila for each other ngayong pareho silang sobrang busy sa trabaho?

“Yeah. We find time for each other. May times na bumibisita siya sa akin sa set kapag wala na talaga akong oras. And let’s see. Excited na rin siyang magtrabaho, e. Kaya… lahat ng time niya, okey lang na ibigay niya roon,” pagtukoy ni Lovi sa bagong soap na gagawin ni Rocco, ang Hiram na Alaala kung saan makakasama nito sina Kris Bernal at Dennis Trillo.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING