Lovi Poe, nasagad sa trabaho

ADVERTISING

Lovi Poe, nasagad sa trabaho

Lovi-PoeMALAPIT NANG matapos ang Kapuso primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real, kung saan bida si Lovi Poe kasama sina Dingdong Dantes at Maricel Soriano. Wala pa raw sinasabing sunod na project na gagawin ang aktres kaya plano raw niyang magbakasyon kahit sa maikling panahon lang.

“Medyo nasagad din ako sa work,” ani Lovi. “So, gusto kong magpahinga muna for a while. Ano lang… normal na short vacation. But I’m not sure yet kung saan.”

Kasama ba niya si Rocco na magbabakasyon? “No. He’s taping na, e,” pagtukoy niya bagong soap naman na Hiram Na Alaala kung saan kasama ni Rocco sina Dennis Trillo at Kris Bernal. So itong magiging vacation ko… alone. Yeah. Just me lang.”

Hindi ba magwu-worry si Rocco na magbabaksyon siyang mag-isa. “Hindi. Gawain din naman niya ‘yon, e,” sabay ngiting sambit ni Lovi.

ADVERTISING

Umpisa na ng “Ber” month. At gaya ng marami,  nakaugalian na rin daw ni Lovi ang maagang nakakapaglagay ng Christmas decors sa bahay. “Oh, my God… I need a white Christmas now!” natawang sabi nga niya. “I’m changing my Christmas tree. I want a new one.”

Maaga rin ba kung mag-prepare sila ng gifts para sa kanyang mga mahal sa buhay at mga inaanak? “No. Last minute ano… ako. Which is bad!” nangiting sabi pa ng aktres. “I’m gonna try to change it. Siguro starting from now, I’ll try to shop if I have time.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING