Lovi Poe nanalong Best Actress sa 10th International Film Festival Manhattan para sa ‘Latay’

NANALO ang Primera Aktresa ng Philippine Showbiz na si Lovi Poe ng Best Actress Award para sa kanyang pagganap bilang husband beater sa pelikulang ‘Latay‘ sa katatapos lang na 10th International Film Festival Manhattan.

Sa mga hindi nakakaalam, ang ‘Latay’ ang pelikulang idinirek ni Ralston Jover na pinagbibidahan nina Allen Dizon at Lovi Poe. Ibang klaseng Lovi ang mapapanood sa pelikulang ito dahil hindi na siya ang kinaliwa o inabuso – siya ngayon ang naging husband beater! Nakakaloka!

Lovi Poe nanalong Best Actress sa 10th International Film Festival Manhattan para sa 'Latay'
Allen Dizon and Lovi Poe

Sa trailer pa lang ng pelikula ay mabibigla ka na lang a lutong ng mura at pisikal na pananakit ni Lovi sa kanyang ‘mister’ sa pelikula. Sa totoong buhay ay may mga lalaking naaabuso rin ng kanilang asawa physically, mentally and emotionally.

Sa katunayan, dapat ay kasama ang pelikula sa Sinag Maynila Film Festival. Hindi ito natuloy sa screening dahil na-kansela ito dahil sa Covid-19 pandemic.

Sa kanyang Instagram account ay nagpakita ng kanyang pagkagalak ang aktres.

“I have never portrayed the role of a violent wife to a battered husband. To say it was challenging is an understatement. I am fond of taking on off beat roles and doing projects like this that raises awareness about domestic violence, particularly towards men, which isn’t documented as much,”

“Thank you to our director Ralston Jover for giving me your full trust in playing a very unconventional character opposite to Allen Dizon. He is a very talented and expressive actor and it is truly an honor to be sharing the screen with you. We did it, Allen Dizon!

“As I type this, I just finished rewatching the trailer of this memorable project — LATAY. Thank you Cinema Bravo and the International Film Festival Manhattan” pasasalamat ng aktres sa kanyang Instagram account.

Naiuwi rin ni Allen Dizon ang Best Actor Trophy at binigyan din ng  Jury Award Best Narrative Global ang direktor ng pelikula na si Ralston Jover.

Naghihintay na kami kung kailan mapapanood ang ‘Latay’ dito sa Pilipinas. Congratulations to Lovi, Allen, Direk Ralston at sa lahat ng involved sa proyektong ito!

Busy ngayon si Lovi sa locked-in taping ng upcoming romance-comedy series nila ni Benjamin Alves na ‘Owe My Love’.