Lovi Poe, nakikipagbalikan kay Ronald Singson?

Lovi Poe, nakikipagbalikan kay Ronald Singson?

Lovi Poe, nakikipagbalikan kay Ronald Singson?Kahit naman si Lovi Poe ay ipinanganak sa hindi legal na pamilya ng kanyang daddy na yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr., lumaki siya at nagdalaga na walang bitterness sa buhay, dahil ganu’n ang nangyari. Bagkus, dahil na rin sa magandang pananalita sa kanya ni FPJ nu’ng nabubuhay pa ito at paslit pa lang si Lovi Poe sa mga araw na nagkasasama sila, naipaliliwanag kung gaano kahalaga ang magandang aktres bilang anak sa buhay ng yumao.

Kaya nga hindi nakapagtataka na marunong talagang manimbang si Lovi sa maraming sitwasyon niya ngayon sa buhay at career. Ilan na rin ang mahabang pakikipagrelasyon niya, at isa man sa mga iyon ay maituturing niyang masayang karanasan na parte ng kanyang buhay. Kaya para sa kanya, okey lang na makaharap niya sa ngayon sina Vice Governor Jolo Revilla, Rocco Nacino, Jake Cuenca, at ganu’n din si dating Congressman Ronald Singson.

Sa pakikipagrelasyon ay natutunan na ni Lovi kung kailan siya magsisimulang magbigay ng todong pagmamahal at alam niya rin kung kailan siya hihinto. Dahil hindi naman siya marunong na isumpa ang mga dating nakarelasyon, kaya hindi nakapagtataka kung mayroong bulung-bulungan na parang okey daw ulit ang friendship nila ni Ronald Singson. Mabait naman kasi si Ronald, at sobra niyang minahal si Lovi, kaya baka mayroon ngang second chance tungkol sa naunsiyami nilang relasyon.

ChorBA!
by Melchor Bautista