Lovi Poe nagpahayag ng pasasalamat sa GMA bago lumipat sa Kapamilya Network

IT’S CONFIRMED: Certified Kapamilya na ang Primera Aktresa na si Lovi Poe!

Pagkatapos ng ilang buwan na paghuhula ng mga Kapuso and Kapamilya viewers ay kumpirmado na ngayon na tuluyan nang lumipat sa bakuran ng Dos ang award-winning actress at bongga ang pag-welcome sa kanya ng kanyang bagong home network.

Lovi Poe nagpahayag ng pasasalamat sa GMA bago lumipat sa Kapamilya Network
Lovi Poe

Ilang taon na rin nililigawan ng ABS-CBN si Lovi Poe (since 2009), pero ngayon lang nagdesisyon ang dalaga na lumipat. Bago ito lumagda ng bagong kontrata ay nagpost muna ito ng isang sincere letter para sa GMA sa pamamagitan ng kanyang social media kalakip ang larawan mula sa teleseryeng ‘Someone to Watch Over Me’, na laging sinasabi ni Lovi na pinaka-memorable show na ginawa niya sa GMA.

“Mananatili sa Puso ♥

Hindi po biro ang 15 years. I would like to thank GMA for taking a chance on this unknown dreamer; for believing in me and supporting me all these years. I have utmost respect and gratitude to the network that has given me my roots and a heart full of memories.

Thank you for planting my dreams. Thank you for giving it time, love and effort to water it.

Punong puno ng pagmamahal
at pasasalamat ♥, Lovi Poe”

Kahit na may mga Kapuso viewers na nanghihinayang sa paglipat ni Lovi, ’tila wala masyadong bitterness sa social media dahil na rin siguro sa maayos na pag-alis ng aktres. Isa rin si Lovi Poe sa most-loved celebrities sa Kapuso network noon at siguradong marami ang nagwi-wish na sana’y mas magprosper pa ang kanyang karera sa showbiz.

Ilan sa mga dating kasamahan ni Lovi ang nagbigay ng kanilang positive parting comments.

Komento ni Benjamin Alves na huling nakatambal ni Lovi sa top-rating show na ‘Owe My Love’, “You’ll always have my love and support darling. I’m just a call away. Love you buddy. BB for life!”

Ilan sa mga Kapamilya na nag-welcome kay Lovi ay sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Kylie Verzosa, Kim Molina, Arci Munoz, Anne Curtis, Vhong Navarro, Yam Concepcion, Vhong Navarro, Janine Gutierrez at marami pang iba.

Exciting ang first project ni Lovi Poe na tingin namin ay rason kung bakit ito napapayag na lumipat na finally. Ito ay ang remake ng ‘Flower of Evil’ at makakapareho niya rito si Piolo Pascual.

Congratulations, Lovi Poe!