Lovi Poe: More than just Da King’s Daughter

Lovi Poe: More than just Da King’s DaughterMATAGAL-TAGAL NA RIN sa showbiz ang dalagang anak ni FPJ na si Lovi Poe. Una itong lumabas bilang isang teen recording artist at kalauna’y napasali sa cast ng Bakekang, kung saan ito ang gumanap bilang si Kristal, ang magandang anak ni Bakekang. Siya nga ang huling nakapareha ni Cogie Domingo bago nito pansamantalang iniwan ang showbiz.

Hindi naman lihim sa lahat na noong una’y maraming ibinabatong kritisismo sa dalaga. Ayon sa ibang showbiz insiders, nakapasok lang si Lovi sa showbiz dahil anak ito ni Da King. Tuluy-tuloy ang mga projects ni Lovi sa TV tulad ng Love to Love, Zaido, Kaputol ng Isang Awit, La Lola, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, Lipgloss at Show Me Da Manny. Naging kontrobersyal din ang kanyang relasyon kay Jolo Revilla na tumagal din ng ilang taon.

Ini-launch bilang isang independent movie actress si Lovi Poe sa pelikulang ‘Walang Hanggang Paalam’ kasama sina Jacky Woo, Joem Bascon at Jake Roxas.

Dito napansin ng mga kritiko ang kanyang galing sa pag-arte with less dialogues. Naging kontrobersyal din ang kanyang pagtanggap sa pelikulang ‘Sagrada Familia’ dahil tungkol ito sa dalagang pinagsamantalahan ng kanyang ama (ginampanan ni Emilio Garcia).

Sa wakas ay napansin din ng award-giving bodies ang acting prowess ni Lovi. Siya ang hinirang bilang Best Actress sa Cinemalaya 2010 para sa pelikulang Mayohan. Dahil naman sa pelikulang ‘Sagrada Familia’, nasungkit niya ang tropeo bilang Best Actress sa 85th Famas Awards.

Masasabi na ‘made’ na nga si Lovi sa showbiz. Sa katunayan nga, nagawa niyang gumawa ng sarili niyang pangalan sa showbiz sa sariling pagsisikap. Napatunayan niya na she’s more than just FPJ’s daughter.

Kahit na mabenta sa indie scene, hindi rin naman mawawala ang morena beauty sa mainstream films. Last year ay lumabas ito sa pelikulang ‘White House’ at this year, isa siya sa makakapareha ni Richard Gutierrez sa ‘My Valentine Girls’.

Sa ngayon ay masasabi natin na Lovi Poe is in the right track. Pinipilit ding halungkatin ng media ang kanyang relasyon ngayon kay Ronald Singson, pero maganda ang ginagawa nitong pagtitikom ng bibig. Keep it up, Lovi!

For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our site at http://www.pinoyfansclub.com

Lovi Poe: More than just Da King’s Daughter

For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com and visit Pinoy Fans Club.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club