Lovi Poe, may kapalit na sa horror movie

ADVERTISING

Lovi Poe, may kapalit na sa horror movie

Lovi-PoePINAG-USAPAN, NAGING malaking issue nang mag-post si Erik Matti sa kanyang Facebook account tungkol kay Lovi Poe na galit na galit. Ang pagkakaalam namin, two days shooting lang daw kasi ang ibinigay ng manager ni Lovi na si Leo Domingez para sa pelikulang  Kubot : Aswang Chronicles na ididirek ni Erik. Maging si Rocco Nacino nag-react sa matatalim na salitang binitawan ng magaling na director tungkol sa dyowa niyang si Lovi.

ADVERTISING

Ngayon, humupa na ang issue between Direk Erik at Lovi, moving forward na ang production staff ng award-winning director dahil nakakuha na sila ng kapalit, si Hanna Ledesma for the role of Sonia na ginampanan ni Lovi sa part 1. Naging contestant ito ng Binibining Pilipinas 2014, graduate lang naman ng Ateneo, Bachelor of Science in Management Information System and specializing in Business Intellegence. Nagtrabaho si Hanna bilang technical consultant sa isang international IT Company. Nag-resign lang ang dalaga nang sumali ito sa beauty contest this year.

Gaya ng karamihang beauty queen, nagsimula sa mga magazine features at commercial. Year 2012 nang makilala niya si Jeffrey Jeturian na siyang tumulong sa kanyang training sa beauty contest. Ipinakilala ni direk si Hanna kay Atty. Joji Alonso, agad kinakitaan ng potential nito ang dalaga, puwedeng maging isang sikat na artista. Siya na ngayon ang tumatayong manager ni Hanna Ledesma.

Looking forward si Hanna na makatrabaho agad si Direk Erik.Naka-schedule nang mag-shooting ang dalaga next week. “Mix emotion ang nararamdaman ko, kinakabahan ako dahil siguro first movie ko ito. Sana magawa ko nang tama ang character na ipo-portray ko,” say niya.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING