LOVI POE, MAS PINASISIKAT NG MGA KONTROBERSIYA!

ADVERTISING

LOVI POE, MAS PINASISIKAT NG MGA KONTROBERSIYA!LOVELIFE NA LANG ni Lovi Poe ang dapat niyang ayusin. Siya mismo ay nagugulat din sa kontrobersiyal na pangyayari sa relasyon nila ni Ronald Singson. Hanggang ngayon kasi ay patuloy pa rin niyang dinadamayan at sinusuportahan ang nobyo sa problemang kinakaharap nito sa Hong Kong na may kinalaman sa droga. Kahit anong sabihin ng mga tao sa paligid ng young actress, hindi siya nagpapaapekto. Basta’t ang laman ng puso niya sa ngayon ay ma-damayan ang anak ni Gov. Chavit Singson.

Para ngang nakatutulong din na laging kontrobersiyal si Lovi dahil bumobongga naman ang kanyang movie career. Naging maingay noon ang relasyon at paghihiwalay nila ng ex-boyfriend niyang si Jolo Revilla, nasangkot pa ang pangalan ni Rosanna Roces, na mommy naman ng naanakan ni Jolo na si Grace Adriano. Nasundan pa ‘yon ng relasyon niya ngayon kay Ronald.

ADVERTISING

Sa kabila nito, hindi napapabayaan ng anak ng yumaong Fernando Poe, Jr. ang kanyang propesyon, kaya hindi siya nababakante sa GMA-7. Patuloy siyang nakapagbibida sa mga teleserye.

Ipinareha na ngayon si Lovi kay Richard Gutierrez. Hindi lahat ng artista ng Kapuso network ay nabibigyan ng pagkakataong maging leading lady ng anak ni Annabelle Rama. Pagkatapos ng My Valentine Girls ay kasama pa rin si Lovi ni Chard sa teleser-yeng Captain Barbell. Kung hindi mahaharangan ng anumang sagabal, mas sisikat pa si Lovi, lalo na kung hindi muna siya magdedesisyon na magpakasal kaagad.

MAHIHIRAPAN NA TALAGA ang GMA-7 na maihataw ang kasikatan ni Rhian Ramos tulad ng pagpapasikat na nagawa nila kina Ma-rian Rivera at Carla Abellana. Wala ka na halos maipipintas sa tisay na young actress. Bukod sa napakaganda niya, ma-PR, at flawless, napakabait pa. Laman pa siya ng pantasya ng mga kalalakihan. Napakalaki sana ng pag-asa ni Rhian na maging sikat na sikat.

ADVERTISING

Kaya lang, hindi na natapos ang isyu ng young actress tungkol sa kanila ni DJ Mo Twister. Dati, parang okey lang, dahil ang dating ay crush na crush lang ni Twister si Rhian, at ang dalaga naman ay laging nagsasabi na malapit lang silang magkaibigan, kahit sa totoo lang, marami na ang nakakakita na lagi silang magkasama.

Maging sa pagbabakasyon at mga pamamasyal sa ibang bansa ay magkasama sina Rhian at Mo. Mahirap na talagang itago ang kanilang relasyon. Masaya ang young actress na kasama ang TV host, kaya mahirap kuwestiyunin ‘yon.

Hindi pang-matinee idol si Twister, kaya parang may nagsasabing hindi sila bagay. Pero doon sila maligaya. Ang malungkot lang talaga, nawawala na ang pantasya ng kanyang mga fans, dahil iniisip nilang selyado na talaga ng pagmamahal ni Mo sa magandang aktres.

PERSONAL:  NAKIKIRAMAY PO kami sa mga naulila ng dating actor-model na si Leo Rabago. Isa si Leo sa mga aktor na sumabak din sa pagpapaseksi na paborito kong interbyuhin noon. Napakabait at matalino siyang kausap, may breeding, marunong magpahalaga at rumespeto sa press. Maluwalhating paglalakbay, Leo!

LOVI POE, MAS PINASISIKAT NG MGA KONTROBERSIYA!

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING