Lovi Poe, kapuri-puri ang pagiging ‘pro’ sa love scenes

ADVERTISING

Lovi Poe, kapuri-puri ang pagiging ‘pro’ sa love scenes

Lovi Poe
Lovi Poe

Sa totoo lang, ‘di ko alam kung ngayon lang talaga ganito si Lovi Poe o matagal na. Very professional ang aktres. Basta pagdating sa usaping trabaho, hindi mo siya mariringgan ng reklamo.

Marami kasi sa mga artista natin sa kasalukuyan na sa konting kibot, magsusumbong na sa kanilang managers or handlers, na kesyo ganito o ganire, na ang daming ngalngal, na ang daming reklamo, na ang ending ay walang nangyayari sa kanilang careers.

Kay Lovi, wala kaming naringgan sa showbiz o sa mga kasama namin sa entertainment writing na reklamadora itong dalaga.

Sa recent grand presscon ng pelikulang “The Escort”, kung saan bumabalandra ang kagandahan at kaseksihan ng dalaga with Derek Ramsay and Christopher de Leon, hangang-hanga ang producers niya na sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde sa pagiging professional ni Lovi.

ADVERTISING

Sa pelikula, sobrang seksi niya sa mga eksena niya with partners Derek and Boyet.

May tatlong love scenes ang dalaga with Derek na sa bawat eksena, napangangnga ang mga nakakapanood ng hot scenes during the shooting.

Maging si Boyet na may “hot” love scene din sa dalaga, puring-puri niya ang pagiging “pro” nito sa eksena nila.

Ang kuwento ng “The Escort” ay tungkol sa mga pa-booking na mga babae na karamihan ay college students na hindi mo aakalain na sex for hire pala sila.

Would you believe may pang-apat na love scene pa sana sina Lovi at Derek, pero tumanggi na ang aktor na gawin, dahil pakiwari niya ay sobra na.

Yes, very daring si Lovi sa “dog style” love scene sana nila ng sexy hunk. Ok nga lang sa kanya.

“It’s a job. May respeto naman si Derek sa akin kaya hindi ako natakot gawin sana ‘yong eksena, pero hindi na natuloy,” kuwento ng dalaga.

Ang “The Escort” ay mapanonood sa darating na November 2 sa mga sinehan nationwide.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING