Lovi Poe, Joem Bascon at Rhen Escano may kakaibang love triangle sa ‘The Other Wife’

NAGBABALIK-TAMBALAN ang award-winning stars na sina Lovi Poe at Joem Bascon. Kung pina-ibig at pinaiyak nila tayo sa ‘The Annulment’ nung 2019, ngayon ay kakaibang ‘thrill’ ang hatid ng kanilang reunion movie na ‘The Other Wife’. This time, kasalo na nila ang Adan at FPJ’s Ang Probinsyano breakthrough star na si Rhen Escano.

Lovi Poe, Joem Bascon at Rhen Escano may kakaibang love triangle sa ‘The Other Wife’
Lovi Poe, Rhen Escano and Joem Bascon in The Other Wife

Kabit movie na naman? ‘Yan din ang unang reaksyon namin nang mapag-alaman na ito ang titulo ng bagong pelikula ni Lovi noong sila’y naglock-in shoot sa La Union noong April. Mula telebisyon hanggang pelikula ay naging suki na si Lovi ng mga ganitong klaseng proyekto. Makahinga kami sabay kinilabutan nang mapanood ang trailer ng ‘The Other Wife’.

Yes, may mistress pa rin sa pelikula. Pero anong klaseng kabit ang ginagampanan ni Rhen Escano?

Tried and tested na ang tambalang Lovi Poe at Joem Bascon na hindi lang basta pagpapaseksi ang ipinapakita – hindi na nila kailangan ng gimik na sila’y may something and they just deliver what is needed from them.

On the other hand, hindi rin naman magpapatalo ang baguhan sa troika na si Rhen Escano. Kung marami ang na-shock sa kanyang daring scenes sa Adan at sa UnTrue, siguradong pati ang kanyang acting prowess ay muling mapapansin sa the Other Wife. Kahit sa trailer pa lang ay kita mo na may ‘dangerous’ chemistry sila ni Joem at kahit ang ‘rivalry’ nila ni Lovi ay something to look forward to!

Palabas na simula July 16 ang ‘The Other Wife’ sa Vivamax mula sa direksyon ni Prime Cruz (Isa Pa, With Feelings, Ang Manananggal sa 23-B, The Debutantes). Kung gusto niyo ng thrilling film na sexy na may konting katatakutan, abangan mo na ‘to!