Lovi Poe, itinanggi ang pagwo-walkout sa Sunday variety show!

ADVERTISING

Lovi Poe, itinanggi ang pagwo-walkout sa Sunday variety show!

Lovi Poe, itinanggi ang pagwo-walkout sa Sunday variety show!

ADVERTISING

TWO SUNDAYS ago, may inihandang birthday surprise ang bumubuo ng Party Pilipinas para sa isa sa kanilang mainstays na si lovi Poe at kabilang na nga rito ang sorpresang pagdating ng kanyang ex-boyfriend na si Ronald Singson.

Pero after ng nasabing segment ay bigla na lang daw naglaho si Lovi sa studio. Kaya, marami ang nagsasabing nag-walkout nga siya.

Kaya noong nakausap nang press si Lovi sa pagpirma niya ng kontra sa isang exfoliant product, nilinaw namin ito sa kanya. Bakit nga ba siya nag-walkout sa show? Hindi ba niya nagustuhan ang surprise birthday present para sa kanya?

ADVERTISING

Pero hindi niya ito diretsahang sinagot. Aniya, “I appreciate the gesture naman of course and I know, Ron naman, his intentions were good, it was really sweet of him. I was just really surprised.”

Nabigla lang daw siya kaya siya umalis at ayon pa sa manager niyang si Leo Dominguez, pati siya ay hindi raw nasabihan ng production na may mga ganoong sorpresa. Hindi rin daw alam nito na umalis na si Lovi sa studio.

Ibig kayang sabihin nito ay wala na talagang pag-asa pa si Ronald sa kanyang puso? Sagot nito sa amin, “No, it’s not like that naman. I mean, I’m not closing my doors. Anything can happen to anyone… with me. But then, ngayon kasi ano talaga ako, alam ko na ‘yung priorities ko, and du’n ko naman nakita kung saan ako masaya talaga, which is being able to do my job and pagkauwi mo sa bahay alam mong naging maayos ‘yung trabaho mo sa taping. Masarap kasi ‘yung pakiramdam ng self-fulfillment na nakukuha mo pagkagano’n, eh. So, that’s what I really want now. There’s no need for me to say it, because pagbalik naman niya, he notice din naman, the difference between who I was before, who I’m now… parang it’s totally different now.”

Ayon pa sa kanya, hindi naman daw siya apektado sa muling pagbabalik sa buhay niya ng dating boyfriend. Pero talagang focus na daw lang muna siya sa kanyang career. “No, not at all. Because… kumbaga, so much has happened already. I’ve matured, I believe, in some ways. So, wala. I think, nothing now could distract me anymore because I went through that already before, and I don’t want to go through that again, just yet. It’s not just about him, it’s just I believe everything happen now, it’s everything I wouldn’t want anything to distract me with my work now.”

 

PAREHO NAMING nakausap sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho noong nakaraang linggo sa isang event sa may Resorts World. No tension and parang wala namang problema sa kanilang dalawa. Sweet at very happy silang tingnan.

Ayon pa nga kay Dra. Vicki, mag-i-spend sila ni Hayden ng Valentine’s sa Grammy Awards, isang masayang experience daw ito sa kanila. Matagal na raw niya gustong um-attend sa mga ganoong pagtitipon at maisasakatuparan lang daw ito ngayong Valentine’s.

Pero wala pa atang apat na araw mula nang makausap sila ng mga press ay biglang nag-iba ang timpla ng hangin dahil may namumuong love quarrel ata ang dalawa over Twitter. Marami ang nagulat sa pag-post ni Dra. Vicki ng mensaheng may blessing na raw siya kay Nancy Castiglione upang maka-date si Hayden. Dito rin sinagot ni Hayden ang lahat at ayon pa sa kanya, mahal na mahal niya si Dra. Vicki at wala raw ‘infidelity issue’ sa kanilang samaan ng loob.

Sana ay naayos na ang gusot ng dalawa, kasi bukas ay Valentine’s Day na. Siguro nga, hindi na natuloy ang dalawa sa kanilang biyahe upang saksihan ang prestihiyosong Grammy Awards.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING