Lovi Poe, isang malaking ‘good luck’ ang paglipat sa Singko

ADVERTISING

Lovi Poe, isang malaking ‘good luck’ ang paglipat sa SingkoLovi Poe, isang malaking ‘good luck’ ang paglipat sa SingkoANG KUMPIRMADONG balitang hiwalay na sina Louise delos Reyes at Enzo Pineda ay walang iniwan sa sinaing na hindi pa man naiinin ay sinandok na at inihain sa mesa. Resulta: hilaw.

Watching Louise on Startalk being interviewed by Butch Francisco was like putting the cart before the horse. Nauna kasi ang pag-amin ng aktres tungkol sa kanilang breakup ng nobyo, gayong wala naman silang inamin tungkol sa kanilang relasyon.

ADVERTISING

Louise could have earned the viewers’ empathy kung “niluto” muna ang kanilang real-life romance ni Enzo, sadly, walang pinanggagalingan si Louise, kung paanong hindi rin malinaw kung saan siya patutungo.

All that was clear though, walang third party sa kanilang hiwalayan. But who cared? Wala nga silang inamin, ‘no! So, why bother about their breakup?

Samantala, some people are saying otherwise. Lumitaw kasi ang pangalan ni Kim Rodriguez being the third party that triggered  the breakup.

ADVERTISING

Kagya’t naming kinuha ang panig ni Kim (love interest ni Enzo sa aabangang telefantasyang Kakambal ni Eliana).  Throught text, sinabi ni Kim na, “Ayoko po kasing makialam sa relasyon nila, saka wala naman pong nababanggit si Enzo sa akin. Puro trabaho po ang pinag-uusapan namin. Nandito lang naman kami kung may problema si Enzo. Sana magkaayos sila kasi sayang din naman ‘yung tagal ng pinagsamahan nila. Most of all, ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko.”

 

TO PILOT at a later date ang bagong soap ni Richard Gutierrez sa GMA for some reason, but what seems known — as talks have it — is his leading lady Lovi Poe’s already confirmed transfer to TV5.

All-systems-go na raw ang paglipat ni Lovi sa Kapatid Network, this considering that based on earlier reports, it was ABS-CBN which was in hot pursuit of the Kapuso actress. Ikinunsidera raw ng Kapamilya Network ang morena features ni  Lovi, na wala sa maraming female contract stars nito.

Lovi belongs to the stable of Leo Dominguez. Nauna rito, naging maugong ang paglipat ng isa pang alaga ni Leo, si Ogie Alcasid, sa TV5.

Now that Lovi will soon set foot on another network, iisa lang ang nakuha naming reaksiyon mula sa mga respetadong career strategists, “Good luck…!”

 

ISABELLE DAZA gets an introducing part in Star Cinema’s It Takes a Man and a Woman, kung saan she plays the off-and-on girlfriend of John Lloyd Cruz opposite Sarah Geronimo.

Hindi namin alam ang status ni Isabelle sa GMA where she did a number of hosting jobs. One thing’s clear though, in person ay ibang-iba siya from when she’s on camera. Mismong ang mga nakatrabaho kasi ni Isabelle sa dating kinaanibang network were one in saying that she had difficulty in delivering her spiels.

We also can’t help but compare her with her mother, former Miss Universe Gloria Diaz. While both of them are articulate, Gloria’s showbiz entry via Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat ng Lupa was one for the books, kumpara sa “introducing” part lang ng kanyang anak.

Anyway, Isabelle has words of admiration for Lloydie whom she describes as a “real gentleman”, no wonder, a lot of girls fall in love with him. Well, it takes more than guts for a woman to say that in front of a man, na alam naman nating lahat ay taken na.

 Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING