Lovi Poe inaming under negotiation pa ang lahat kung lilipat siya sa ABS-CBN at aalis na sa GMA-7

Leo Bukas

WALANG direktang pahayag si Lovi Poe kung lilipat na nga ba siya sa ABS-CBN na katulad ng mga nagsi-circulate na balita nung panahong wala siya sa bansa.

Ang tangi lang niyang nabanggit sa amin at sa iba pang press na umatend sa face-to-face presscon ng pelikula niya sa Viva Films na The Other Wife ay under negotiations pa raw ang lahat.

Lovi Poe inaming under negotiation pa ang lahat kung lilipat siya sa ABS-CBN at aalis na sa GMA-7
Lovi Poe

”Right now, it’s hard to say. Everything is under negotiations. I’ve just finished my show. We’re still having the conversation,” reaksyon ni Lovi sa balitang iiwanan na niya ang GMA-7.

Dagdag pa ng aktres,  “I think it’s best to keep it private because I don’t want to be. I want to respect both networks.”

Handa rin si Lovi na makipagtrabaho sa Star Cinema at makatrabaho ang ibang mga Kapamilya stars kung mabibigyan ng pagkakataon.

“Ako naman po kasi, I’m always open to working with anybody. To grow as an artist, I don’t think you’re supposed to box or keep yourself like just doing the same or working with the same people over and over again.

Lovi Poe inaming under negotiation pa ang lahat kung lilipat siya sa ABS-CBN at aalis na sa GMA-7
Lovi Poe

“Of course it’s nice to work with them (Star Cinema) and explore. Let’s be honest, when we work with other people, that’s the time we will learn something new,” pahayag pa ng aktres.

Kasama ni Lovi sa The Other Wife na idinirek ni Prime Cruz sina Joem Bascon at Rhen Escano. Daring ang pelikula na pangalawang movie na ni Lovi sa Viva. Magkakaroon ng world premiere ang pelikula sa July 16via  KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax.