Lovi Poe, inamin na si Rocco Nacino

ADVERTISING

Lovi Poe, inamin na si Rocco Nacino

Rocco Nacino Lovi Poe Premiere Night My Valentine Girls - feb0911 - Luz Candaba (115)WALANG NAGAWA si Lovi Poe, kundi napaamin ko talagang sila na ni Rocco Nacino.

Kung napanood n’yo ang Startalk nu’ng nakaraang Sabado, sana nataypan n’yo ang interview ko kay Lovi na talagang nasukol ko siya, ‘day!

Napa-yes siya nang tinanong ko kung mag-on na ba talaga sila. Ito kasing si Lovi, ang hirap moNG mapaamin sa mga relasyon niya.

Nu’ng una ay umamin siyang naging sila ni Jake Cuenca na ipinagtataka ko bakit kina Jolo Revilla dati, pati kay Ronald Singson, hindi niya inaamin sa publiko.

ADVERTISING

Pero in fairness naman sa kanya, nu’ng inamin niyang sila na nga ni Rocco, parang ang saya-saya rin niya. Parang wala na siyang itinatago sa publiko, at least puwede na silang mag-PDA ni Rocco.

Sabi naman nila noon, “what you see is what you get,” eh ‘di ‘yun na nga.

Sabi naman ni Lovi, nu’ng nagbakasyon daw sila ni Rocco sa Europe sila naging official. Kaya ilang buwan pa lang daw ang kanilang relasyon.

Maganda raw ang relasyon nila dahil nagsimula silang friends. Kaya parang magkabarkada lang sila hanggang ngayon na sila nga ang magkasamang lumalabas.

Close naman daw siya sa family ni Rocco, at kahit ang aktor ay ganu’n din sa pamilya niya.

Parang nakahinga nga nang maluwag si Lovi pagkatapos niyang amining sila na talaga ni Rocco.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING