Lovi Poe, gumanti kay Marian Rivera

ADVERTISING

Lovi Poe, gumanti kay Marian Rivera

Marian-Rivera-Lovi-PoeMAY NAGPARATING sa amin na diumano ay dinedma raw ni Marian Rivera si Lovi Poe sa Sunday All Stars last Sunday.

ADVERTISING

Ayon sa nagtsika, nang magkita raw sina Marian at Solenn Heusaff na that time ay kasama nito si Lovi ay binati at bineso raw ni Marian si Solenn, pero dinedma naman si Lovi.

Hindi raw nakaligtas sa mga mata ng taong nasa paligid ang nangyari kaya nagulat raw ang mga ito sa naging gesture ni Marian.

Tsika pa, nakangiti raw si Lovi nang mangyari ang pagdededma at tila nagulat din daw ito sa hindi inaasahang pagdededma sa kanya ng girlfriend ni Dingdong Dantes. Pero sa halip daw na magpaapekto si Lovi, patay malisya na lang ito para ‘di masira ang araw.

ADVERTISING

Samantalang last Sunday din daw na diumano ay may eksena raw sa parking lot na nag-abot sina Marian kasama si Dingdong at si Lovi at ang boyfriend nitong si Rocco Nacino.

Base sa nasulat, may eye witness daw at nakita na binati ni Lovi ang leading man niya sa Dalawang Mrs. Real na si Dingdong kahit kasama ng actor si Marian.

Nang tanungin daw ng press si Marian kung anong reaction at kung totoo nga raw ba ang nangyari sa parking lot, ayaw raw magbigay ng comment ang number one sexiest ng isang men’s magazine.

Kung totoo nga ang nangyari sa dalawang sikat na actress, maaaring gumanti lang si Lovi sa ginawang pagdededma sa kanya ni Marian nang batiin lang nito si Solenn habang magkasama sila ng huli sa pagho-host ng Sunday show ng GMA 7.

May nagsabi naman na baka dahil bestfriend ni Lovi si Heart Evangelista na hanggang ngayon ay hindi pa rin kasundo ni Marian, kaya nadamay ito sa away ng dalawa.

Anyway bukas ang pahina namin sa paglilinaw, sagot, statement ng kampo nina Lovi at Marian.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING