Lovi Poe, good vibes at positive energies lng

Lovi-PoeGOOD VIBES lang, ‘ika nga ni Lovi Poe. Kaya nga sa isang social media posting nakita ang isang picture, kung saan magka-beso sina Lovi at Marian Rivera na noon pa man ay sinasbaing may alitan. Dahil good vibes lang at walang kanegahan, ayaw na palakihin ng both parties ang picture na ‘yun na kuha sa isang showbiz event kamakailan.

Pero ang latest, para pampapadagdag ng good vives at positive enegry sa buhay ng dalaga, enjoy siya sa buhay niya at happy sa kanyang lovelife. Maging ang intriga na nilikha noong nakaraang eleksyon na diumano ay hindi niya sinuportahan ang “Ate Grace” (Sen. Grace Poe) niya dahil sa miscommunication, ngayon pa lang ay gusto na niyang iparating kay Senadora na willing and able siyang mangampanya para sa sa half-sister niya kung sakali mag-decide man ito na tumakbo sa darating na halalan.

“Before po kasi, I was just waiting sa invitation nila,” sabi ni Lovi sa kuwentuhan namin tungkol sa pagkakagat sa kanya ng kanyang aso na napunta ang tsikahan tungkol pangangampanya niya sa kapatid, if ever.

Sa press launch ng Beautiful Strangers na magsisimula na sa August 10, ang ganda-ganda ni Lovi. Iba ang kanyang aura. Parang kulay orange na when I checked the interpretation of an orange aura sa google, it says: “The color of vitality, vigor, good health, and excitement. Lots of energy and stamina, creative, productive, adventurous, courageous, outgoing social nature; currently experiencing stress related to appetites and addictions (sa good vibes at sa pag-ibig niya kay Rocco Nacino?)

Mga good vibes and positive energy naman kasi ang nakapaligid sa kanya. Una na’y walang negativities sa relasyon nila ni Rocco na mas magiging doble ang positive energy ang nasasagap na aura ng dalaga dahil tuwing taping nila ng bagong serye niya,l makasasama niya ang boyfriend na gaganap bilang boyfriend niya sa teleserye.

Sila naman ni Heart Evangelista na isa rin sa mga bidang karakter sa serye, never namang naging magkaribal sa estado nila sa showbiz, lalo na kung sino at ano sila sa kuwadra ng Kapuso Network.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleSheryl Cruz, mas gustong manahimik na lang sa isyu ni Sen. Grace Poe
Next articleKaren Reyes, agaw-eksena sa press launch ng Star Magic Angels

No posts to display