Lovi Poe, dream come true ang makatrabaho sa pelikula si Christopher de Leon

ADVERTISING

Lovi Poe, dream come true ang makatrabaho sa pelikula si Christopher de Leon

Lovi Poe
Lovi Poe

Mas mapusok, palaban, sexy, at daring na Lovi Poe ang mapanonood sa pinakabagong pelikula ng Regal Films na “The Escort”, kung saan makasasama nito sina Derek Ramsay, Lovi Poe, at Christopher de Leon. Mapanonood na ito sa November 2 at mula sa direksyon ni Enzo Williams.
Kung ilang beses nga raw na mapalalaban sa maiinit na love scenes si Lovi sa kanyang mga leading man na sina Derek at Christopher sa nasabing pelikula.
Thankful, flattered, at sobrang saya raw ni Lovi dahil nakatrabaho niya ang Drama King na si Christopher na dream leading man ng mga baguhang artistang babae.
Kaya naman daw masuwerte siya at nagpapasalamat sa Regal Films, dahil nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang award-winning actor sa “The Escort”.

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING