Lovi Poe, dinidilig si Ronald Singson ng moral support!

ADVERTISING

Lovi Poe, dinidilig si Ronald Singson ng moral support!NAISPATAN NG PINOY Parazzi ang aktres na si Lovi Poe sa Ninoy Aquino International Airport nang dumating ito sa bansa, alas-12:05 ng madaling- araw kahapon. Galing si Lovi sa Hong Kong sakay ng Cathay Pacific Flight 905.

Noong Miyerkules, January 26, nakatakdang isagawa ang arraignment ng drug case sa Hong Kong ng boyfriend ni Lovi na si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson. Hindi ito natuloy at na-postpone sa January 31, dahil sa pag-inhibit ng Tsuen Wan Principal Magistrate na si Ernest Lin.

ADVERTISING

Ayon sa mga report, nagpasiyang mag-inhibit ang nasabing Hong Kong judge dahil nakatanggap umano itro ng isang sulat mula sa isang “anonymous concerned Filipino worker” noong January 22. Laman umano ng sulat ang ilang “damaging allegations” laban kay Ronald. Hindi nga raw nais ng mahistrado na magkaroon ng ‘partiality’ sa kaso bunga ng nasabing sulat.

Nakatakda nanag magpahayag ng kanyang guilty plea si Ronald sa kasong drug trafficking, at sasabihin din umano nito na para sa “personal consumption” ang drogang nakuha sa kanyang bagahe.

Noong July 11, 2010, Naaresto si Ronald ng Hong Kong police sa kanilang international airport. Nakuha sa kanyang mga bagahe ang 26.1 grams ng cocaine at dalawang tableta ng valium, mga ipinagbabawal na gamot.

ADVERTISING

Pinayagang makapagpiyansa si Ronald ng HK$1 million noong August 2010, pero pinagbawalan itong umuwi ng ‘Pinas. Kaya naman, from time to time, dumdalaw si Lovi sa kanyang boyfriend sa Hong Kong para bigyan ito ng moral support at samahan sa mga pagdinig sa kaso nito.

Danny’s Law

by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING